• December 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas bet ng fans sa seryeng pagbibidahan ni Anne: HEART, ‘di kayang pantayan nina KYLIE at PIA sa pagrampa

NANUMPA na nga si Sen. Chiz Escudero bilang Senate President last Monday, May 21 at siyempre nasa tabi ang kanyang esposa na si Heart Evangelista.

 

 

 

Marami nga ang nagulat sa pagpapatalsik o pagre-resign ng dating Senate President na si Miguel Zubiri noong Lunes.

 

 

 

Mukhang magiging aktibo na si Heart sa Senate Spouses Foundation, Inc. na pinamumunuan ni Audrey T. Zubiri, asawa ng former Senate Pres. Zubiri.

 

 

 

Samantala, si Senator Jinggoy Estrada naman ang nanumpang Senate President Pro Tempore, na kapalit ni Senator Loren Legarda.

 

 

 

Ang tanong makakaapekto kaya ito sa pagiging abala ni Heart sa mga fashion event sa Europe?

 

 

 

Nag-viral naman ang video na kumalat na kung saan nagbeso pa si Heart kay Sen. Zubiri.

 

 

 

At dahil sa kaganapan, mukhang ilang panahon na lang, ay puwede nang maging first lady si Heart.

 

 

 

Tungkol pa rin kay Heart, may ibang fans na mas bet daw nila ang fashion icon na gumanap na bida sa Philippine a­daptation ng hit Korean drama series na ‘It’s Okay To Not Be Okay’ na pagbibidahan nina Anne Curtis, Carlo Aquino, at Joshua Garcia.

 

 

 

***

 

 

 

MARAMING nakapansin na ang mga, rumampa sa Cannes Film Festival ay wala namang pelikula.

 

 

 

Mas bongga sana kung rumarampa na Pinoy celebrities ay meron man lang pelikula na napapansin din sa nasabing prestigious filmfest.

 

 

 

Pero ang sexy nina Kylie Verzosa, Franki Russel (Miss Universe New Zealand 2024 and actress) at si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

 

 

 

Pero obserbasyon ng marami, iba pa rin daw si Heart Evangelista ‘pag rumarampa, mas nagka­kagulo ang photographers at kalat kaagad sa social media.

 

 

Na ibang-iba sa treatment kina Kylie, Franki at Pia ng mga photographers, na makikitang nakatingin sa red carpet.

Other News
  • 1,000 PAMILYA SA CEBU BINIGYAN NG LIBRENG PABAHAY NG GOBYERNO – NOGRALES

    Pinangunahan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles kasama ang mga opisyal ng National Housing Authority at LGU ang ginanap na ceremonial turnover ng Yolanda housing units sa Santa Fe, Cebu noong Martes, Abril 20, 2021 na aniya’y katuparan ng pangako ng administrasyong Duterte na kumpletohin at agarang ipamahagi sa bawat benepisyaryo ang mga libreng pabahay.   […]

  • Valenzuela pangalawa sa NCR Top Performing LGUs sa Local Revenue Generation

    MULING kinilala ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) ng Department of Finance ang Valenzuela City para sa tax collection efficiency ranking nito sa Fiscal Year 2021 sa ginanap na pagdiriwang ng BLGF’s 35th Anniversary sa Philippine International Center (PICC).     Ito’y matapos masungkit ng lungsod ang pangalawang Performance Area (PA) Nos. 2 — […]

  • Ads May 31, 2023