• April 4, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas mabigat na parusa sa mga law enforcers na sangkot sa pagtatakip sa krimen, isinulong

ISINUSULONG  ng isang mambabatas ang panukalang pagataw ng mas mabigat na parusa sa law enforcers at ibang persons in authority na sangkot sa pagtatakip o paggalaw sa ebidensiya sa mga kaso na may kaugnayan sa drugs at iba ang heinous crimes.

 

 

Sa panukala ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan, nais nitong patawan ng 20 taong pagkabilanggo ang napatunayang nagkasala mula sa kasalukuyang maximum 12-taong pagkakakulong.

 

 

“Law enforcers and other persons in authority are responsible for  maintaining public order and preventing crime.  They should be held to a higher standard of behavior and conduct as protectors of the people,” ani Yamsuan, dating assistant secretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

 

 

Ayon sa mambabatas, kung sila mismo ang magiging problema sa kaso kapag naging kasabwat o accessories sa krimen ay tatanawin silang ‘hoodlums in’ na nararapat na mapatawan ng mabigat na parusa sa ilalim ng batas.

 

 

Upang maipataw ang mabigat na parusa, layon ng House Bill (HB) 7972 na maamyendahan ang Article 19 ng Revised Penal  Code upang maisama sa mapapatawan ng mas mabigat na parusa ang mga persons in authority na nagsilbing kasabwat sa komisyon ng krimen.

 

 

Sinabi ni Yamsuan na sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang heinous crimes tulad ng drug trafficking ay may parusang reclusion perpetua o pagkakakulong ng 20-40 taon habang ang nagsilbing accesories o kasabwat ay may parusang 6-12 taong pagkakakulong.

 

 

Sa HB 7972, nais ng mambabatas na mapatawan ng mabigat na parusa ang kasabwat na law enforcersat iba pang persons in authority kung saan ang parusa ay  reclusion temporal o pagkakakulong ng 12-20 taon.

 

 

Nakapaloob sa Republic Act 7659, kasama sa heinous crimes ay ang “importation, distribution, manufacturing and possession of illegal drugs. Other offenses classified as heinous crimes are treason; piracy in general and mutiny on the high seas in Philippine waters; qualified piracy; qualified bribery; parricide; murder; infanticide; kidnapping and serious illegal detention; robbery with violence against or intimidation of persons; destructive arson; and rape.” (Ara Romero)

Other News
  • Dating Unang Ginang Imelda, “She is in good spirits”- PBBM

    PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang sambayanang Filipino para sa pag-alaala at panalangin ng mga ito sa kanyang Ina na si dating First Lady Imelda Marcos matapos dalhin sa ospital dahil sa hinihinalang pneumonia.     “She is in good spirits, has no difficulty in breathing and is resting well,” ang pahayag ng […]

  • Namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tig limang kilong bigas

    Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng ika-118th Navotas Day, namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tig limang kilong bigas sa bawat pamilyang Navoteños sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at  Congressman Toby Tiangco, kasama ang iba pang opisyal ng lungsod. (Richard Mesa)

  • PBBM, idineklara ang Hulyo 17 hanggang 23 ng bawat taon bilang National Disability Rights Week

    IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Hulyo 17 hanggang 23 ng bawat taon bilang “National Disability Rights Week.”     Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang hakbang ay bahagi ng pangako ng gobyerno sa United Nations Convention on the Rights of Persons with Disabilities (UNCRPD).     Tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, […]