• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas mainit na bakbakan sa Game 3

MAS LALONG  mag-iinit ang salpukan ng defen­ding champion University of the Philippines at Ateneo de Manila University sa pagsambulat ng Game 3 ng UAAP Season 85 men’s basketball tournament best-of-three championship series.

 

 

Nauwi sa rubber match ang serye matapos masikwat ng Blue Eagles ang 65-55 panalo laban sa Fighting Maroons sa Game 2 noong Miyerkules.

 

 

Kaya naman nag-uumapaw ang kumpiyansa ng A­teneo dahil muling nabuhay ang pag-asa nitong maibalik sa kanilang teritoryo ang kampeonato.

 

 

Nagawa ng Blue Eagles na maipanalo ang Game 2 dahil sa solidong laro ng kanilang buong team.

 

 

Ito ang paniniwala ni slotman Angelo Kouame na malaki ang pasasalamat dahil sa solidong kontribusyon ng kanyang mga katropa.

 

 

“It’s not about me. It’s about the whole team so what I really want to talk about is the performance of the whole team,” ani Kouame.

 

 

Umaasa si Kouame na madadala nito ang momento sa Game 3.

 

 

“It really makes me feel in the right position to be able to be with them and see they really want as much as I want to so it’s a team effort,” dagdag ni Kouame.

 

 

Kabilang sa mga nakatuwang ni Kouame sina Forthsky Padrigao, Geo Chiu at Matthew Daves na nagbigay ng malaking kontribusyon sa tropa.

 

 

Ngunit asahan ang mas matinding bakbakan dahil ilalabas din ng Fighting Maroons ang buong puwersa nito upang madepensahan ang kanilang korona.

 

 

Muling gagawa ng ga­me plan ang UP c­oaching staff para pigilan ang ma­lakas na puwersang ilalatag ng Ateneo. (CARD)

Other News
  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 21) Story by Geraldine Monzon

    SABAY NA  napalingon sina Angela at Bernard kay Janine na nakangiti sa kanila.   “Janine, hija, sila ang aking mga apo, si Bernard at ang pinakamamahal niyang asawa na si Angela.”   Nakangiting iniabot ni Janine ang kamay niya sa dalawa na magiliw namang tinanggap ni Angela at pagkatapos ay ni Bernard.   “Hello po! […]

  • Ads November 25, 2022

  • DOTR, TESDA, inilunsad ang Tsuper Iskolar at Libreng Sakay sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Sa pagpasok sa lalawigan ng modernisasyon sa transportasyon, nagtulungan ang Department of Transportation (DOTr) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan upang isagawa ang programang “Tsuper Iskolar Lecture and Launching of Libreng Sakay” para sa mga Bulakenyong tsuper at mga operator na ginanap sa […]