• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas makatutulong lalo na sa mga migranteng manggagawa: ATTY. HONEY QUIÑO, na-inspire kay ARNELL kaya tinanggap ang posisyon sa OWWA

KILALA na si Atty. Mary Melanie “Honey” Quiño sa entertainment industry bilang isang movie producer.

 

 

Pag-aari niya ang AQ Prime at A & Q Production Films na nakapag-produce na ng mga pelikulang dinirek ni Joel Lamangan, ang “Nelia” at “Peyri Teyl”, ang latest film ni Superstar at National Artist Nora Aunor ang “Ligalig”, na mula sa direksiyon ni Topel Lee at ang “Pura Serbidora” ni Loiue Ignacio, na unang mapapanood sa international film festivals.

 

 

Ang film industry ay malayo sa mundong kinalalagyan ni DA (Deputy Administrator) Honey ngayon. Kung dati ay sa korte at mga shootings siya nahaharap, ngayon ay ang mundo ng mga migranteng manggagawa ang inaasikaso niya.

 

 

Kaya naman marami ang nagulat nang tanggapin niya ang pagiging Deputy Administrator ng OWWA kung saan makakasama niya si Arnell Ignacio na siya namang bagong Administrator.

 

 

Na-inspire daw si DA Honey sa nakita niyang mga nagawa ni Admin Arnell sa OWWA kaya nagdesisyon siyang tanggapin ang puwesto sa gobyerno.

 

 

Alam sa sarili ng lady producer na kakayanin ang mga haharaping hamon ng kanyang trabaho.

 

 

“Ever since naman ay hindi na bago ang adhikain ko na makatulong sa kapwa,” pahayag niya.

 

 

“Dati ang mga manggagawa ng movie industry ang tinulungan ko dahil wala na talagang gumagawa ng pelikula lalo na noong pandemic.”

 

 

Dagdag pa ni DA Honey, “kaya nang lumabas ang appointment paper ko mula kay PBBM ay naisip ko na pagkakataon ko na ito na makatulong sa mas nakararami lalo na sa ating mga migranteng manggagawa.”

 

 

Goodluck DA Honey sa bago mong adhikain and for sure, tuloy-tuloy lang ang pagtulong mo sa movie industry, na unti-unti nang nakababangon.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Senator Marcos namahagi ng mga bangka at lambat sa mangingisdang Navoteños

    UMABOT sa 56 rehistradong mangingisdang Navoteños ang natakatanggap ng NavoBangka fiberglass boats at lambat mula kay Senator Imee R. Marcos bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng kaarawan nina Mayor John Rey Tiangco and Cong. Toby Tiangco.     Binati ni Mayor Tiangco ang mga benepisyaryo at nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa pagsisikap ng senador. […]

  • Covid-19 vaccination sa mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games, inaprubahan na

    INAPRUBAHAN ng gobyerno ang panukalang iprayoridad ang COVID-19 vaccination sa mga atletang Filipino at opisyal bago pa magtungo ang mga ito sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinapayagan ng Inter-Agency Task Force ang maagang pagbabakuna sa mga magiging kinatawan ng Pilipinas sa dalawang nabanggit na sport […]

  • Ads January 10, 2022