• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas maluwag na GCQ sa NCR Plus, possible

Posibleng ibaba na sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) Plus matapos ang Hunyo 15.

 

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito ay dahil bumubuti na ang sitwasyon ng COVID-19 dito kabilang na rin ang mababang hospital care utilization rate.

 

 

Sa Metro Manila umano ay gumanda na ang numero kung saan ang hospital care utilization ay nananatiling mababa na may 53% sa ICU beds na isa sa mga importanteng factor para sa escalation.

 

 

Kaya base umano sa numero, ang NCR Plus ay pababa na ang kaso ng virus kaya posibleng hindi na isai­lalim sa modified GCQ kundi ordinaryong GCQ na lang.

 

 

Sa ngayon ang NCR plus na kinabibilangan ng  Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna ay nananatili sa ilalim ng GCQ with restrictions hanggang June 15. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Kalap’ program, makatutulong para makaya ng mga magsasaka at MSMEs na maging mas ‘productive, competitive’ -PBBM

    SINABI ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr.  na makatutulong ang  Kapatid Angat Lahat for Agriculture Program (KALAP), isang private sector initiative  na makaya ng mga magsasaka at micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa bansa na mas maging  “more productive, profitable, sustainable and globally competitive.”     “We know very well how MSMEs are crucial […]

  • Gumabao, Bernardo hahataw para sa Creamline

    MULING maglalaro si veteran Michele Gumabao para sa Creamline bilang preparasyon sa Premier Volleyball League Invitational Conference na hahataw sa Sabado sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City.     Bigo ang opposite hitter na si Gumabao sa nakaraang eleksyon kaya siya magbabalik sa Cool Smashers.     Huling nakita sa aksyon si […]

  • Maraming natuwa at naka-relate na celebrity friends: ANGELICA, overwhelmed sa nararamdaman ngayong papalapit nang maging isang ina

    SA latest Instagram post ni Angelica Panganiban, naging emosyonal siya nang ibinahagi ang kaligayahang nararamdaman ngayong nalalapit na siyang maging isang ina.   Caption ng aktres, “Habang nakaupo sa binubuong nursery… bigla na lang akong naiyak.. napaka overwhelming ng lahat ng ito. Ganito pala ang pakiramdam ng makumpleto ka.   “Kahit mahirap, kahit nakakapagod, kahit […]