• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas marami pang ruta ng bus, dyip, UV bubuksan ng LTFRB

Magbubukas pa ng mas maraming ruta ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa operasyon ng mga bus, jeep, at UV Express units sa mga susunod na araw.

 

“We’re going to increase public transport because there is a need to do that, not just in Metro Manila but all across the country,” ani LTFRB chairperson Martin Delgra III sa isang panayam.

 

“Sa mga sumusunod na araw po, magbubukas din naman tayo ng mga panibagong mga ruta at dagdag na pampublikong sasakyan. Hindi lang po sa jeep kundi po sa mga bus at UV Express,” dgadag pa nito.

 

Ngayong Miyerkoles, July 29, pinayagan ang nasa 1,943 jeepney na bumiyahe sa 17 karagdagang ruta sa Metro Manila.

 

Giit pa ni Delgra, kinokonsidera ng LTFRB ang roadworthiness at pagtugon sa health protocols sa pagpili ng mga unit na papayagang makabiyahe.

 

“Nakita naman din po natin sa datos, they are of current registration. Ibig pong sabihin, we have assumed that they have gone through mandatory roadworthy test ng LTO (Land Transportation Office).” (Daris Jose)

Other News
  • PDU30, nag-aalala para sa kanyang gabinete

    LABIS na nag-aalala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa mga miyembro ng kanyang gabinete.   Ito ang dahilan kaya’t agad na nagtanong ang Pangulo sa ginawang Cabinet meeting kagabi kung kailan mababakunahan ang mga miyembro ng kanyang gabinete.   Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na na kailangang idulog ang tanong ng Punong Ehekutibo […]

  • Ads June 20, 2022

  • Mga simbahan agad na tumugon sa ‘di pagsasagawa ng misa sa loob ng 2 weeks

    Agad na tumugon ang lahat ng mga simbahan sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa panawagan ng gobyerno na itigil muna ang pagsasagawa ng misa simula Marso 22 hanggang Abril 4.     Ang mga simbahan sa nabanggit na lugar ay nag-post ng mga advisory sa kanilang mga social media pages para […]