Masaya sa ano mang relasyon nila: MIGUEL, ipinagdiinang ‘di pa sila mag-dyowa ni YSABEL
- Published on September 1, 2023
- by @peoplesbalita
SA totoo lang, si Maine Mendoza ang naalala namin nang mabasa namin ang Instagram post ni Sef Cadayona tungkol sa naging proposal niya sa kanyang non-showbiz girlfriend.
Naalala namin si Maine dahil matagal din silang na-link habang kasagsagan pa ng Aldub.
Kakakasal ni Maine at si Sef naman, posibleng sumunod na rin. Cute ang kuwento ni Sef sa naging proposal niya dahil dalawang beses siyang nag-propose sa pagitan ng anim na buwan.
Mula sa singsing na papel hanggang sa diamond ring na ang binigay niya.
Sey ni Sef sa kanyang Instagram post, “February 14, 2023. Hindi ako makapaniwala na nakuha ko ang matamis mong OO! Biruin mo… sa hindi inaasahang pangyayari nag propose ako gamit ang gawa kong papel na singsing.
“May iba doon eh… lahat tama parang lahat ng naramdaman ko eh inuudyok nako itanong sa yo kung pwede ba kitang makasama habang buhay. Kahit hindi magarbo o engrande… umoo ka. Napaka swerte at saya ko nung gabing yun.
“Dumaan ang ilang buwan tuloy ang ating buhay pero nakatatak sa isip ko, ibibigay ko ang galak at saya na para sayo.
“Kabang kaba ako! Panay memorya ng linya na sasabihin ko pag nasa harap na kita. Pumunta sa bahay niyo para magpaalam sa magulang mo. Masabi ko sa kanila na masaya tayo at gusto ko sana ganun tayo hanggang sa tumanda na tayong dalawa na magkasama. Mapalad ako na pumayag sila. Humingi ako ng tulong kay Ate A paano diskarte sa pagdating mo.
“Kaya pagpasok mo sa bahay niyo… nakahintay na ko para itanong ulit sa ‘yo, ‘will you marry me?’ Mahal kita Nelan! May Lemoine. Wag mo ko papuntahin sa malayo.”
Marami rin kapwa niya celebrities ang bumati kay Sef, isa na rito si Marian Rivera.
***
SA ginanap na online mediacon para sa pagtatapos ng ‘Voltes V: Legacy’, tinanong namin sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega kung sa mahigit na apat na taon nilang pagsasama, masasabi nilang nag-level-up na rin talaga ang ano mang relasyon na meron sila.
Binigyang-diin ni Miguel na kung may maganda sa relasyon nilang dalawa ni Ysabel, lumalago raw silang magkasama at indibidwal.
“Actually, ang masasabi ko lang diyan, we’re both growing together,” simulang pahayag ni Miguel.
“Lalo na ngayon, si Ysabel, may tinatayo siyang business ngayon. Ako, nag-aaral ako ng Film. So, I’m happy na nakikita namin ang isa’t-isa na mag-grow.
“’Yung relationship namin, hindi siya magiging hindrance para pigilan ang isa’t-isa. May mga relationship kasi na mai-stop ang growth mo as a person dahil kunwari, kung clingy ang isang tao at nagre-require siya ng so much attention, so much time, parang mawawalan ka ng time na mag-build ng career mo and kung ano man ang gusto mong gawin sa buhay.”
Masaya raw si Miguel na hindi sila katulad ng inilalarawan niya.
“I’m very happy na sa relationship namin ni Ysabel, we’re pushing each other na mas gumanda ang buhay, mas mag-grow ang career. Ngayon, hindi lang showbiz ang pinu-push namin, pati personal lives namin.”
Pero ayon kay Miguel, hindi pa raw talaga sila mag-jowa. Sa isang banda, sa pagtatapos ng ‘Voltes V: Legacy’ sa September 8, kaya abangan ang mangyayari sa limang heroes kabilang nga ang mga characters ng dalawa bilang sina Jamie Robinson at Steve Armstrong.
(ROSE GARCIA)
-
Kaya may sagot at pakiusap sa bashers: PIA, tinawag na ‘trying hard and copycat’ ni HEART
SINAGOT na ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang mga natatanggap niyang bashing mula sa netizens simula nung uma-attend siya ng mga fashion events abroad. On Instagram, kunsaan nag-share ng reel si Pia sa pagrampa niya sa Paris Fashion Week, sinagot niya sa comment section ang ilang pang-ookray sa kanya. Ilan sa nakuha […]
-
Giyera sa semis simula na
Mula sa 12 koponang pumasok sa PBA ‘bubble’ ay tanging ang Barangay Ginebra, Meralco, TNT Tropang Giga at Phoenix na lamang ang natira. Didribol ang best-of-five semifinals series ng apat na koponan para sa hangaring makapasok sa Finals ng 2020 PBA Philippine Cup. Lalabanan ng Gin Kings ang Bolts ngayong alas-6:30 ng gabi […]
-
1,114 iskul sasalang sa dry run ng face-to-face classes
Nasa 1,114 paaralan ang inirekomenda ng Department of Education (DepEd) para magsagawa ng dry run sa face-to-face classes sa mga lugar na low risk sa COVID-19. Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang mga regional directors ng ahensiya ang nagrekomenda sa naturang mga paaralan pero sinabi ni Briones na kailangan pang suriin kung nagpapatupad […]