• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Masaya sana kung magkakasama sa isang filmfest: VILMA, nalungkot din na ‘di nakapasok ang movie nina MARICEL at NORA

MARAMI nga sana ang nag-aabang na mga big stars talaga bida sa mga pelikulang magiging official entey para sa MMFF.

 

Pero hindi nakapasok ang mga pelikula nina Maricel Soriano at Nora Aunor.
Naitanong nga ang tungkol dito kay Vilma Santos na pasok ang ‘When I Met You in Tokyo.’

 

“Hindi na kasi namin hawak ‘yon,” sey ni Ate Vi.

 

“It’s not even sa box-office, e, it’s more of magkikita na naman kami ulit. Magkakasama sa isang film festival. It’s just unfortunate na si Marya at si Kumareng Guy ay hindi nakapasok.

 

“Hindi namin alam, hindi namin hawak ‘yon,” saad niya.

 

Sabi niya rin, “Pero, kung sama-sama kami, mas masaya. Uulitin ko lang, hindi pang-award, kung hindi para sa mga tao. I’m sure maliligayahan at mabubuhay sana ang dugo ng mga tao.

 

“But you know, meron naman kaming ‘When I Met You in Tokyo,’ nandiyan si Shawie (Sharon Cuneta), at marami naman magagandang pelikula na kaya nilang pagpilian para maging successful din ang Metro Manila Film Festival.
“Marami, sampung pelikula ‘yan with good actors also and good movies.”

 

Diretsuhan din tinanong si Ate Vi kung sa siyam na pelikulang opisyal na kalahok din sa 2023 MMFF, sino raw kaya sa tingin niya ang magiging mahigpit na makakalaban niya for box-office?

 

Si Arnel Ignacio kasi ng OWWA ay nagpahayag na sigurado na raw na may nakalatag na silang 20 block screening para sa ‘When I Met You in Tokyo’ dahil tila may eksena rito na makakasuporta rin sa OWWA.

 

“Alam mo, ayokong magpa-pressure, dyusko, ayoko ng ma-tension,” natawang sabi niya.

 

“Hindi na worth it para sa health ko. ‘Wag na. Alam mo, ulitin ko man ‘yong 35 and gorgeous, aalagaan mo na ang sarili mo. You know, soon, basta kami—kaming pamilya sa ‘When I Met You in Tokyo’, of course, with Lotlot (de Leon), Gina Alajar, Lyn Cruz, Jacky Woo, Ms. Redgie (Magno), The producer, Ms. Weng (Rowena Jamaji). The directors, Yetbo, lahat—basta kaming pamilya, sama-sama naming pino-promote itong When I Met You in Tokyo.”

 

***

 

SIMULA sa Lunes, November 6, magkakatapat na ang mga teleserye nina Coco Martin na ‘Batang Quiapo’ at ang bagong action primetime series ni Ruru Madrid na ‘Black Rider.’

 

Pero bago ito, nagkita raw sila ni Coco.

 

“Nang magkita po kami ni Sir Coco sa isang event, ‘yung kay Senator Robin (Padilla), nagpatawag po siya ng mga artista, pag-uusapan ‘yung mga problems.

 

“Sakto, nando’n si Sir Coco. Nilapitan ko po siya, sabi ko, ‘Sir Coco, magandang gabi po.’ Tapos, bigla siyang tumingin sa akin. Tumayo at niyakap niya ko ng mahigpit.

 

“Mahigpit as in, mahigpit na mahigpit. Sabi ko, ‘Sir Coco, malaking karangalan na makilala kita. Sabi niya, ‘hindi, ako ang dapat magsabi no’n. Palagi kitang pinapanood, ang galing-galing mo.

 

“Napanood ko ‘yung ‘Lolong’ sobrang husay mo. Pagbutihin mo lang ‘yan. Tapos, niyakap niya ulit ako at sabi niya, nakikita niya ang pagiging makatao ko. Ipagpatuloy mo lang. Sobrang na-appreciate ko.”

 

Siguro raw, alam din ni Coco na magkakatapat ang primetime series nila. Pero sabi rin ni Ruru, sobrang bata pa lang daw siya, sila ng Nanay niya, pinapanood na nila ang mga teleserye ni Coco.

 

“Sobrang iniidolo ko siya kasi nga, nakikita ko ang pagmamahal niya sa trabaho at hindi po biro ang ginagawa niya.”
Obviously, isa si Ruru sa talagang bongga ang career ngayon as Kapuso.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • 450 solo parents tumanggap ng cash aid

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng panibagong tulong pinansyal sa mga kwalipikadong solo parents sa pamamagitan ng Saya All, Angat All program.     May 450 Navoteño ang nakatanggap ng P2,000 cash subsidy kasunod ng pag-verify ng kanilang bagong-apply at na-renew na solo parent identification card.     Kasama sa ikaapat na batch ng […]

  • Hindi pinaporma ng Boston Celtics ang Brooklyn Nets 126-120.

    BUMIDA sa panalo si Jayson Tatum na nagtala ng 54 points habang nagdagdag naman ng 21 points si Jaylen Brown at 14 points, nine assists si Marcus Smart.     Tinambakan naman ng Utah Jazz ang Oklahoma City Thunder 116-103.     Nagtala ng 11-three points si Bojan Bogdanovic sa kabuuang 35 points nito.   […]

  • 3 mangingisda, timbog sa P142K shabu

    ARESTADO ang tatlong mangingisda kabilang ang isang binatilyo na narescue sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis kung saan nakumpiska sa mga ito ang mahigit sa P142K halaga ng shabu sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na si Jhay Ar Miranda, 26, […]