Masbate discus thrower nagtala ng gold medal sa Batang Pinoy
- Published on November 27, 2024
- by @peoplesbalita
NAKUHA ng discus thrower mula sa Masbate ang unang gintong medalya sa nagpapatuloy na 2024 Batang Pinoy National Championships.
Naitala ni Courtney Jewel Trangia ang 38.30 meters sa girls division na ginanap sa Ramon V. Mitra Jr Sport Complex sa Puerto Princesa, Palawan.
Ito na ang pangatlong sunod na kampeonato niya sa discus throw.
Ang 17-anyos na unang nanalo ng gold medal sa discus throw sa Philippine Athletics Championships na ginanap sa Pasig City nitong Abril.
-
Sec. Duque, hindi pa dapat maging kampante
HINDI pa rin dapat maging kampante si Health Secretary Francisco Duque III na hindi siya makakasama sa makakasuhan kaugnay sa iregularidad sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, panimula pa lamang naman ang ginagawang imbestigasyon ng task force PhilHealth kaya’t malaki ang posibilidad na may susunod na irerekomenda na makakasuhan […]
-
PBBM, gustong baguhin ang pagtutok sa general public health sanhi ng pagtaas ng bilang ng iba’t ibang sakit
NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na baguhin ang pagtutok sa mga alalahanin na may kinalaman sa general public health bunsod na rin ng pagtaas ng bilang ng iba’t ibang sakit maliban sa COVID-19 sa bansa. Nabanggit ng Pangulo ang bagay na ito sa pakikipagpulong nito kay World Health Organization director general Dr. […]
-
Pagtatapos ng COVID-19 nakikita na, pero mga bansa dapat kumayod nang husto sa paglaban vs virus – WHO
INAMIN ng World Health Organization (WHO) na maituturing na dramatiko ang pagbaba nang husto ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 cases sa maraming mga bansa. Dahil dito nanawagan ang WHO sa buong mundo na samantalahin ang pagkakataong ito na wakasan na ang pandemya. Kinumpirma ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, […]