• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mass resignation sa AFP, namumuo?

KUMAKALAT ngayon ang alingasngas sa umano’y mass resignation ng mga opisyal sa Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos tanggalin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nakaluklok na Chief of Staff at muling ibalik ang heneral na dati nang namaalam sa posisyon.

 

 

Ayon sa kumakalat na report, namumuo ang destabi­lisasyon matapos i-reappoint ni Pangulong Marcos si Gen. Andres Centino sa puwesto at alisin ang nakaluklok na Chief of Staff na si Lt. Gen. Vicente Bartolome Bacarro, isang Medal of Valor Awardee.

 

 

Sinabi ng isang opisyal na tumangging magpabanggit ng pangalan na walang nagawang pagkakamali si Bacarro at ang hakbang para ibalik sa puwesto ang dating Chief of Staff ay lumilikha ng demoralisasyon sa kanilang hanay.

 

 

Aniya, ito ang dahilan kung bakit nananawagan ng pagkakaisa sa kaniyang muling pagbabalik bilang Chief of Staff ng AFP si Centino na ayon dito ay ngayon lang nangyari sa kasaysayan ng AFP.

 

 

Sinasabing malakas ang mga padrino ni Centino kaya muli itong nakabalik sa posisyon na dati na nitong binakante noong Agosto 2022.

 

 

Agad ring nagpatawag ng command conference si Centino ilang oras matapos ang turnover ceremony sa Camp Aguinaldo kahapon ng umaga at hiningi ang suporta ng mga opisyal ng militar sa kaniyang pagbabalik sa liderato ng AFP.

 

 

Nang matanong naman si Col. Jorry Baclor, AFP Public Affairs Office Chief ay pinawi nito ang pangamba sa umano’y destabilization at sinabing normal ang sitwasyon sa Camp Aguinaldo.

 

 

Sa panig ni Col. Medel Aguilar, AFP spokesman, sinabi nito na walang namumuong destabilisasyon sa AFP dahil propesyunal ang militar.

 

 

Ayon sa opisyal, ang maugong na destabilisasyon umano ay sanhi naman ng kumalat na report mula sa CARAGA Police hinggil sa umano’y pagsasailalim sa kapulisan sa ‘full alert status’ kaugnay ng pagbibitiw ng lahat ng mga Department of National Defense (DND) personnels sa Camp Aguinaldo.

 

 

Sa panig ni PNP Public Information Officer Col. Redrico Maranan, sinabi nito na fake news umano ang kumakalat na memorandum sa paglalagay sa lahat ng unit ng pulisya sa full alert status dahil sa umano’y namumurong destabilisasyon sa AFP.

 

 

Ayon kay Maranan, ang kanilang heightened alert status ay sanhi ng piyesta ng Itim na Nazareno.

 

 

“It’s not true we are on heightened alert status because of the Feast of the Black Nazarene,” paliwanag pa ni Maranan.

Other News
  • ‘No vax, no ride’ sa Metro Manila, tigil muna – DOTr

    SIMULA Pebrero 1, ay pansamantalang ititigil ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng ‘no vaccination, no ride policy’ sa mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila.     Kasunod na rin ito nang pagsasailalim na ng pamahalaan sa National Capital Region (NCR) sa Alert Level 2, simula Pebrero 1 hanggang 15.     Nangangahulugan ito […]

  • Ads March 8, 2024

  • NO. 1 MOVIE IN KOREA “CONCRETE UTOPIA,” STARRING LEE BYUNG-HUN, PARK SEO-JUN AND PARK BO-YOUNG, IN PH CINEMAS SEPTEMBER 20

    WELCOME to Hwang Gung Apartments.     Concrete Utopia, a thrilling disaster film starring an ensemble of A-list Korean actors including Lee Byung-hun, Park Seo-jun, Park Bo-young, Park Ji-hu, Kim Do-yoon and Kim Sun-young, will be released in the Philippines by Columbia Pictures.     The film, which opened #1 in Korea, will open in […]