• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mataas na bilang ng COVID-19 cases sa mga DepEd personnel, ikinaalarma

IKINAALARMA ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang mataas na bilang ng COVID cases sa mga personnel ng Department of Education.

 

Kasabay nito, hinikayat ng mambabatas ang Department of Education na agad kumilos para masiguro na maibibigay ang healthcare services at tulong sa mga DepEd personnel na nagkasakit ng covid.

 

Nabatid sa isinagawang interpelasyon ng badyet na nasa 2,193 personnel ng Department of Education sa buong bansa ang nahawa ng COVID-19. Sa bilang, 561 ay active cases, 1584 ang gumaling habang 48 naman ang nasawi.

 

“We raise alarm over the huge number of COVID cases among DepEd personnel. With that high number of cases of COVID among DepEd personnel, what has the agency done to aid their personnel? What can its personnel expect from the DepEd to ensure they will be taken care of in case they get COVID?” pagtatanong ni Castro.

 

Umapela pa ito sa departamento na siguruhin na may access ang kanilag personnel sa healthcare services bukod pa sa PhilHealth benefits.

 

Sinabi pa ng mambabatas na dapat magsilbing wake up call ang mataas na bilang ng COVID cases sa mga DepEd personnel para gumawa ng dagdag na paraan upang matulungan ang mga ito.

 

Ipinanukala rin nila na ibalik sa 2021 national budget ang P500 annual medical check-up at lump sum na P2B para sa libreng medical treatment at hospitalization ng mga teachers at non-teaching employees. (Ara Romero)

Other News
  • Ai-Ai, personal na naghatid ng tulong at inspirasyon sa mga nasalanta ng bagyo

    LUMAKI sa Tuguegarao, Cagayan Valley ang singer- actor na si Geoff Taylor.   Si Geoff ang male winner ng GMA singing contest na Are You The Next Big Star noong 2009.   Ilang bagyo na raw ang dumaan sa hometown ni Geoff simula pa noong bata siya, pero nagulat siya sa nangyari ngayon sa Cagayan […]

  • Nag-viral sa social media ang sexy photos: ENCHONG, pinatunayan na puwede pang pagpantasyahan kahit 33 na

    MAS lalong sumarap sa paningin ng maraming beki si Enchong Dee dahil sa pag-viral sa social media ng bagong sexy photos niya para sa ini-endorse na underwear brand.       Sa gitna nga ng kasong kinahaharap ng aktor na cyber libel kunsaan demanda siya for P1 billion, hindi nagpabaya si Enchong sa kanyang katawan. […]

  • ‘Judge me by my actions’ – BBM

    “JUDGE me not by my ancestors, but by my actions.”     Sinabi ito ni Pre­sident-in-waiting Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasabay ng pangako na magiging presidente siya ng lahat ng mga Filipino kasama na ang mga hindi bumoto sa kanya.     Sa statement na binasa ni Vic Rodriquez, spokesman at chief-of-staff ni Marcos, inihayag […]