• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matagal ding naka-confine at nasa ICU: JOVIT, pumanaw na sa edad 29 dahil sa aneurysm

PUMANAW na si Jovit Baldivino, ang first winner ng ‘Pilipinas Got Talent’, sa edad na 29.

 

 

Matagal-tagal ring naka-confine si Jovit sa ospital mula nang atakehin umano ito sa isang event sa Batangas.

 

 

Binawian ng buhay si Jovit sa ICU (intensive care unit) ng Jesus of Nazareth Hospital dahil sa aneurysm, madaling araw ng Biyernes, December 9.

 

 

Kinumpirma naman ng misis ni Jovit na si Camille Ann Miguel ang malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang Facebook post ng larawan nila ni Jovit na may caption na “ASAWA KO [crying face emojis]”

 

 

Sa isang pang post niya, “Anong sama ng papasko mo smen [crying emojis]”

 

 

Sa social media ay nagpa-abot na ng mensahe ng pakikiramay ang ilang kapwa celebrity ni Jovit tulad nina Ogie Alcasid, Marcelito Pomoy, Zsa Zsa Padilla, Matteo Guidicelli, Kiray Celis at marami pang iba.

 

 

***

 

 

SOLO owner si Tei Endencia ng AQUILA Crystal Palace Tagaytay Events Place na maaari ring pagdausan, bukod sa weddings, birthday parties, baptismal, anniversary at kung anu-ano pang celebration, lalo na ngayong Christmas season.

 

 

Fine Arts ang kinuhang kurso ni Tei sa kolehiyo; paano siya natutong maging arkitekto at engineer ng kanyang events place?

 

 

“Kasi nga po artist kaya nga iyon ginagamit ko yung skills ko pag-e-execute, pag-i-style ng reception, the venue iyon po.”

 

 

Bukod sa business owner ay isa ring events stylist si Tei at napanood namin mismo habang hands-on si Tei na inaayos ang dekorasyon sa venue ng kasal nina Wilma Doesnt at Gerick Parin noong March.

 

 

“I do the transformation of the venue, conceptualization, iyan ginagawa ko po yan dun po sa lahat po ng mga clients ko dito.

 

 

“Kailangan po super-hands-on po, sa lahat ng business kailangan hands-on ka.”

 

 

Si Tei ang kasama na nga sa mga artists ng Artist Circle Talent Management Services na pinamumunuan ni Rams David.

 

 

Si Wilma rin ang dahilan kung paanong nagkakilala sina Tei at Rams kung kaya naging talent ng siya ng Artist Circle.

 

 

Parehong tubong Cavite sina Tei at Wilma.

 

 

“Sabi ni kapatid Wilma, ‘Merong isang tao na should handle you’, because of my skills. Kasi they checked my schedules, I have daily schedules, I have daily meetings, ganyan po and iyon po sobrang blessed ko po nung na-meet ko po si tito Rams David.

 

 

“And siya po ngayon yung aking talent manager na nagha-handle po sa akin ngayon and we’re having a satellite office in Quezon City.

 

 

“So if a client wants to hire me po as an events stylist, kay tito Rams po sila makikipag-coordinate dun po yung bookings po nila.”

 

 

Maaaring kontakin ang AQUILA Crystal Palace Tagaytay Events Place sa e-mail address na artist_circle@yahoo.com at mga numero na 09175816288, 09171188007 at 09178421621.

 

 

Matatagpuan ang Aquila Crystal Palace Tagaytay Events Place sa #328 Brgy. Maitim 2nd Tagaytay City.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • PBBM, itinalaga si Diokno bilang miyembro ng Monetary Board

    MAGBABALIK si dating Finance Secretary Benjamin Diokno sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bilang miyembro ng Monetary Board.     Pinalitan ni dating Deputy Speaker Ralph Recto si Diokno bilang Kalihim ng Department of Finance (DoF).     Nauna rito, pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Diokno para sa “excellent performance” nito sa […]

  • Pacquiao kakasuhan ang dating malapit na kaibigan dahil daw sa pag-imbento ng mga kuwento

    Sasampahan ng kampo ni Senator Manny Pacquiao ng kasong cyber libel at estafa and dating kaibigan nito na si Jayke Joson dahi sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon.     Ayon sa legal counsel ng senador na si Atty. Nikki de Vega na inihahanda na nila ang kaso laban kay Joson.     Dagdag pa […]

  • NBA at Irving todo abang sa magiging anunsiyo ng New York na pagtanggal sa vax mandate

    TODO ABANG  na ngayon ang NBA lalo na ang Brooklyn Nets superstar na si Kyrie Irving kaugnay sa magiging anunsiyo bukas ng lokal na pamahalaan ng New York na papayagan na ring maglaro ang hindi mga bakunadong players laban sa COVID-19.     Ang naturang pagluluwag sa restrictions sa mga unvaccinated ay idedeklara ni New […]