• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Matagumpay ang COVID-19 response, kung wala ng bagong kaso sa loob ng 28-days’ – DOH

Iginiit ng Department of Health (DOH) na wala pa ring katiyakan ang sitwasyon ng COVID-19 sa Pilipinas kahit bahagyang bumaba ang mga bagong kaso ng sakit na naitala sa nakalipas na araw.

 

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, naka-depende pa rin sa ipinapasang data ng Disease Reporting Units (DRUs) ang numero ng kanilang inire-report na bagong confirmed cases kada araw.

 

“Maraming forecasts na ginagawa yung mga academic institutions and this serves to guide the DOH on how we will be able to move forward with our response… pinag-aaralan din yan ng DOH at ating experts.”

 

“Our reported cases are very much reliant on the submission of DRUs. Ibig sabihin, yung mga sina-submit ng mga laboratoyo, ospital at local government units.”

 

Kung maaalala, sinabi ng mga researchers mula sa UP Octa na nag-flatten na ang curve ng COVID-19 sa bansa.

 

Pero paalala ng opisyal, hindi lang numero ng mga kaso ang dapat pagbatayan ng sitwasyon. Itinuturing din daw kasi na indicator ang kapasidad ng health system, contact tracing, surveillance ng mga kaso ng sakit at testing.

 

Ani Vergeire, maaari lang sabihin na talagang matagumpay na ang COVID-19 response, kung wala nang maitatalang kaso sa loob ng dalawang linggo.

 

“We are not certain at this point. Tinitingnan pa natin, pinag-aaralan nating mabuti itong trends ng mga kaso at iba pang factors.”

“Kapag dumating yung panahon na in two incubation periods, its 28 days na wala tayong naitatalang (bagong) kaso, doon natin masasabi talaga na we had been really successful in all these things that we are doing for this response.”

Other News
  • Yorme Isko ‘di aatras sa presidential race

    TAHASANG itinanggi ni Aksyon Demokratiko presidential candidate Isko Moreno na isa siya sa dalawang presidentiable na aatras sa kandidatura kasabay ng paggiit na marami na ang mga botante na lumilipat sa kaniya.     “’Di ako susuko, ‘di natin susukuan ang taumbayan, ‘di natin susukuan ang sitwasyon,” saad ni Moreno makaraan ang pakikipagpulong kay La […]

  • Jones Jr. target si MMA star Silva; kapag tinalo si Tyson

    Sakaling malusutan si dating undisputed heavyweight champion Mike Tyson, inamin ni Roy Jones na target nitong makasagupa si Mixed Martial Arts legend Anderson Silva.   Ayon kay Jones, bago pa man nitong isiwalat na lalabanan si Tyson sa isang exhibition match sa Setyembre, marami na umano itong natatanggap na offer para labanan si Silva.   […]

  • Jimuel Pacquiao ‘wagi sa pinakabagong amateur fight sa California

    NAGTALA nang panibagong panalo ang anak ni dating Sen. Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao matapos na talunin via decision si Dylan Merriken sa laban na ginanap sa Quiet Cannon Conference and Event Center sa Montebello, California nitong araw ng Biyernes.     Ang panalo ng 21-anyos na si Pacquiao sa three-round bout ay bilang […]