• October 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matagumpay, produktibong pakikibahagi ni PBBM sa ASEAN Summit pinuri ni Speaker Romualdez

BINATI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa matagumpay at produktibong paglahok nito sa ika-44 at ika-45 ASEAN Summits and Related Summits na ginanap sa Laos kamakailan.

 

 

Ayon kay Speaker Romualdez, ang istratehikong diplomasya ng Pangulo ay nagresulta makabuluhang tagumpay para sa pambansang interes ng bansa, partikular sa pagpapatibay ng suporta sa panawagan ng bansa na itaguyod ang international law, partikular ang UNCLOS at ang mapayapang paglutas ng mga alitan sa South China Sea.

 

 

Idinagdag niya ang makabuluhang kontribusyon ni Pangulong Marcos upang mapagkasundo ang mga miyembrong kasapi ng ASEAN upang palawakin ang kooperasyong pang-ekonomiya na lilikha ng mas maraming pamumuhunan at trabaho para sa mga Pilipino.

 

 

“The President’s adept handling of the Philippines’ ASEAN engagements has once again demonstrated his strong leadership and unwavering commitment to protecting and promoting our nation’s interests on the international stage. His engagements contributed towards expanded economic cooperation not only among ASEAN member states but also with its dialogue partners, which is expected to create more investment opportunities and jobs for Filipinos,” pahayag ni Speaker Romualdez.

 

 

Kasunod ng pakikipagpulong sa SHERA Public Company Ltd. sa sidelines ng ASEAN Summit, inanunsyo ni Pangulong Marcos ang plano ng kompanya na maglagak ng P2.9 bilyong pamumuhunan sa Pilipinas at makapag patayo ng fiber cement building materials para sa lokal na merkado at maging pang-export.

 

 

Idinagdag ni Speaker Romualdez ang mahalagang papel na ginampanan ni Pangulong Marcos sa mga talakayan na magpapalakas ng kolektibong pagtugon ng ASEAN sa isyu ng kalamidad, na isa ring isyu na kritikal sa Pilipinas.

 

 

Pinuri ni Speaker Romualdez si Pangulong Marcos sa kanyang walang-sawang pagsisikap na itaas ang katayuan ng Pilipinas sa ASEAN.

 

 

“The President’s leadership has once again secured vital agreements and strengthened our diplomatic relations, which will benefit the Filipino people for years to come,” sabi pa ni Romualdez. (Vina De Guzman)

Other News
  • Napangiti nang mapanood ang TikTok video: ALFRED, happy na naging bahagi sa ‘awakening’ journey ng isang t

    NAKATUTUWA ang post ng isang Tiktoker tungkol sa butihing Konsehal ng Quezon City na si Alfred Vargas.      Ibinuking kasi nito kung paano siya nagkaroon ng awakening sa pagkatao niya.     Ayon kay Tiktoker McCartney na nag-post ng isang video gamit ang kanyang account na mccartnetcale, malaking bahagi ng kanyang awakening ang Walker billboard ni Alfred na nakaputing brief, nakikita […]

  • Fury sabik ng makaharap si Wilder sa ikatlong pagkakataon

    Tiniyak ni British boxer Tyson Fury na kaniyang pahihirapan ang American boxer na si Deontay Wilder sa kanilang paghaharap para sa heavyweight fight sa Oktubre 10 sa Las Vegas.     Dagdag pa ng 33-anyos na si Fury, uulitin niya ang diskarte nito noong ikalawang paghaharap nila noong Pebrero 2020 na nagresulta sa pagkatumba nito […]

  • Liza, puwedeng kasuhan ng Cyberbully ang empleyado ng isang internet provider

    PUWEDENG kasuhan ng Cyberbully ang empleyado ng isang internet provider na si Mellisa Olaes dahil sa komentong ‘sarap ipa-rape’ si Liza Soberano.   Nakipag-usap na sa kanyang abogado ang aktres kasama ang manager niyang si Ogie Diaz.   Bukod dito ay posible ring at stake ang trabaho ni Mellisa bilang head ng sales department ng […]