• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos ang earthquake drill, asahan ang fire drill sa Malacañang, Complex

NAKATAKDANG ikasa rin sa mga susunod na araw at pagkakataon ang fire drill sa mga gusali sa Malacañang, Complex makaraang ikasa ang earthquake drill ngayong taon .

 

 

Ayon kay Architect Reynaldo Paderos ng Office of the President (OP) Engineering Office, nangangasiwa sa gusali ng New Executive Building (NEB) sa Malacañang, Complex, itatakda nila ang fire drill para bigyan din ng kaalaman ang lahat ng opisyal at kawani sa iba’t ibang tanggapan sa Malakanyang kung papaano tutugon sakali’t magkaroon ng malaking sunog sa alinmang bahagi ng Malacañang, Complex.

 

 

Winika pa ni Paderos mahalaga ang ganitong mga pagsasanay para maiwasan ang anupamang insidente ng pagkasawi o pagkasugat ng mga tao.

 

 

Winika naman Jerald Bautista, OIC ng general services division ng NEB na may nakatakdang pondo sila para sa taong ito para ipambili ng mga emergency equipment, medical at fist aid kits para magamit sa panahon ng emergency at ganitong mga uri ng pagsasanay.

 

 

Sa kabilang dako, maayos namang naisagawa ang earthquake drill ngayong umaga sa NEB.

 

 

Tinuran ni Padernos, kumpiyansya siya sa mas matatag ngayong new executive building at iba pang gusali sa Malakanyang, dahil isinagawa muna rito ang retrofitting bago ang renovation.

 

 

Gayunpaman, mayroon lamang ilang tao na napuna si Arch Padernos na hindi nagsilabas ng kanilang tanggapan sa kasagsagan ng earthquake drill.

 

 

Kaya sinabihan nito ang ilang mga opisyal na in-charge sa drill na dapat sa susunod na pagkakataon ay kinakailangang palabasin na ang lahat ng tao kahit saang department o opisina pa nakatalaga ang mga ito bilang pagtalima sa memorandum at bilang pakikiisa sa epektibong pagtugon sa anupamang sitwasyon. (Daris Jose)

Other News
  • Paigtingin ang pagsisikap sa paglaban kontra kahirapan, ipromote ang kapayapaan, nat’l security

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensiya ng pamahalaan na tulungan siyang maihatid ang kanyang pangako sa mga mamamayang Filipino na iangat ang “kondisyon ng ekonomiya, isulong ang kapayapaan  at palakasin ang  national security.”     Sa kanyang mensahe sa isinagawang oath-taking ceremony  ng mga opisyal ng National Amnesty Commission (NAM), National […]

  • PBA legends ‘manok’ si Robredo bilang pangulo

    PINILI ng apat na da­ting Philippine Basketball Association (PBA) superstars si Vice President Leni Robredo bilang manok nila sa pagkapangulo ng bansa sa darating na halalan sa Mayo.     Sa isang video kasama ang beteranong PBA coach na si Yeng Guiao, nagdeklara ng buong suporta kay Robredo sina Jojo Lastimosa, Olsen Racela at Johnny […]

  • Nakaka-touch ang kanyang mensahe: SHARON, ‘di pa nasasanay sa tuwing aalis si FRANKIE

    AMINADO si Megastar Sharon Cuneta na hindi pa rin siya nasasanay sa tuwing aalis si Frankie Pangilinan papuntang Amerika, para ipagpatuloy ng kanyang pag-aaral.     Sa kanyang IG post, kasama ang larawan ng mag-amang Kiko at Frankie…     Panimula ng caption ni Mega, “Hindi pa rin ako masanay-sanay…Tuwing aalis si Kakie ko pabalik […]