• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos ang pananalasa ng bagyong Carina at Habagat… US nag-alok ng tulong sa PH para sa pagbangon ng bansa

NAG-ALOK ng tulong ang Amerika para sa pagbangon ng bansa matapos ang pananalasa ng Bagyong Carina at Habagat.

 

 

 

 

 

Ginawa ang pahayag sa pagbisita ngayong araw nina US Secretary of state Anthony Blinken at US Defense Secretary Lloyd Austin sa bansa kung saan personal na iparating kay Pangulong Ferdinand Marcos jr ang kanilang pakikiramay at pakikidalamhati para sa mga Pilipinong nawalan ng mahal sa buhay at mga ari arian bunsod ng nagdaang bagyong carina at habagat.

 

 

Ayon pa kay Blinken, maituturing na makasaysayan ang araw na ito dahil unang beses na punong abala ang Pilipinas para sa 2 plus 2 ministerial dialogue isang high level engagement sa pagitan ng dalawang bansa.

 

 

Isa aniya itong matibay na patunay ng pagiging matatag na relasyon ng Amerika at Pilipinas kung saan saklaw ang malawak na usapin at layunin para sa pagpapahusay ng usaping pang ekonomiya at seguridad.

 

 

Samantala, ipinaabot naman ni Austin ang pakikisimpatiya at binigyang diin sa Pangulo na hindi lamang magka-alyansa ang dalawang bansa kundi higit pa ay ang palaging pagiging pamilya ang turingan.

 

 

Ayon kay Austin, magkapareho ang values ng dalawang bansa, may parehong interes at umaasang magpapatuloy pa ang pagiging magkatrabaho nila ng Pangulo sa susunod na panibagong 3 hanggang apat na taong relasyon.

 

 

Nakatakdang lagdaan ngayong araw ang military intelligence sharing agreement sa pagitan ng Pilipinas at Amerika na lalagdaan nina Blinken at Austin at foreign affairs secretary Enrique Manalo at defense secretary Gilbert Teodoro Jr. (Daris Jose)

Other News
  • Nagustuhan niya ang pagiging totoo ng aktres: MARIAN, inihalintulad ni CHRISTIAN kay KIRAY

    NAKAKAALIW ang interview ni Nelson Canlas kay Christian Antolin, ang content creator na aktor na ngayon na alaga ng kaibigan naming si Rams David ng Artist Circle Management.     Nasa cast ng ‘My Guardian Alien’ si Christian at sa ‘Updated with Nelson Canlas’ podcast ay nagkuwento si Christian, na gumaganap bilang si Sputnik sa […]

  • Irving nagmatigas, hindi pa magpapabakuna

    NAGMATIGAS ngayon ang NBA superstar na si Kyrie Irving na hindi pa rin nagbabago ang kanyang paninidigan na hindi magpapabakuna.     Ginawa ni Irving ang pahayag kasunod na rin ng report na aabutin ng mahigit sa isang buwan na mawawala ang kanilang main man na si Kevin Durant dahil sa injury.     Sa […]

  • P5.9-B pinsala naitala sa agri sector dahil sa El Niño – DA

    SUMAMPA na sa P5.9 billion pesos ang halaga ng pinsala na dulot ng El Niño phenomenon sa sektor ng agrikultura.     Ayon kay DA ASec. Arnel de Mesa nasa 80, 000 na mga magsasaka ang apektado ng El Niño.     Pinaka-malaki rito ay ang mga magsasaka ng palay na nasa halos 60, 000. […]