Matapos magdesisyong hiwalayan ang asawa: CAI, walang natatatanggap na child support kaya kayod-marino
- Published on June 26, 2023
- by @peoplesbalita
TOTOO pala na hiwalay na ang komedyanteng si Cai Cortez sa Tunisian husband nito na si Wissem Rkhami.
Kinasal ang dalawa noong 2016 at meron silang dalawang anak. Ayon sa kuwento ng aming source, taong 2021 daw noong magkaroon ng problema sa pagsasama ng dalawa na nauwi na sa hiwalayan.
Sa programa na “Fast Talk with Boy Abunda’ na isiniwalat ni Cai na hiwalay na sila ni Wissem at single parent na siya sa dalawang anak nila.
“Being a single mother to my two kids. Kaya namin and we are happy and thriving. Hindi lang masabi na nabubuhay pero thriving, happy,” sey ni Cai.
Wala raw natatanggap na child support si Cai mula sa ex-husband niya kaya kayod-marino sa pagtrabaho ang aktres.
“Importante ang pera kasi may dalawang anak ako eh at ako ang sole provider, kaya hindi puwedeng matigil ang pagpasok ng pera. Kasi ayokong umasa sa iba,” diin pa ni Cai.
Thankful si Cai sa kaibigan na si Kakai Bautista dahil sa suporta na binigay nito nung magdesisyon siyang iwan ang tatay ng mga anak niya.
“Isa si Kakai sa mga nagturo sa akin kung gaano ako ka-special bilang tao. She was a stepping stone in realizing na hindi dapat ako pumapayag na mabastos, ma-disrespect. And kaya kong tumayo sa sarili kong paa.
“Ang babae kasi mapagtiis eh. For the peace tatahimik ka, so akala nila okay lang ‘yon. But no. Itinuro niya (Kakai) sa akin na kailangan mong magsalita, kailangan mong ipaglaban ang sarili mo para sa mga anak mo,” ayon pa kay Cai.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Walang ibang parte ng mukha na kanyang pinagawa: HEART, ipinagdiinan na sumailalim lang siya sa lip enhancement
INAMIN ng Global Fashion Icon na si Heart Evangelista na sumailalim lang siya sa lip enhancement. Pero ang ibang parte ng mukha ay wala siyang pinagawa. “Lips lang ‘yung naiba. Lips lang ‘yung pinagawa ko. It’s true. I’m just saying the truth. If you don’t accept, well, wait for judgment day. Because this is all […]
-
Estate Tax Amnesty, palawigin
IPINASA ng Kamara sa ikatlong pagbasa ang panukalang magpapalawig sa ipinatutupad na Estate Tax Amnesty ng dalawang taon o hanggang 2025. Layon ng panukala na mabigyan ng sapat na panahon sa mga taxpayer para mabayaran ang kanilang tax obligations. Base sa Republic Act no.11569 na inamyendahan ng RA 11213 o ang […]
-
Bulacan, tumanggap ng 900 doses ng Sinovac na bakuna
LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos ang maingat na pagpaplano at paghahanda para sa pagdating ng mga bakuna, naglaan ang Department of Health Regional Office III ng 900 doses ng COVID-19 vaccines mula sa drugmaker na Sinovac Biotech sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ngayong araw. Dinala ang mga bakuna sa itinalagang cold storage room sa lalawigan na matatagpuan sa Isidoro Torres […]