Matapos na mag-congrats sa nalalapit na kasal: SHARON, binanggit kay MAINE na kasama ang bagong son na si ALDEN
- Published on July 3, 2023
- by @peoplesbalita
SI Megastar Sharon Cuneta ang special guest ng TVJ at Legit Dabarkads sa pilot telecast nila ng noontime show nila sa TV5, ang “E.A.T.” last Saturday, July 1. Kinanta ni Sharon ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko,” pero nag-request pa ng another song ang TVJ, ang “Bituing Walang Ningning.”
Pero bago muling kumanta si Shawie, tinawag muna niya si Maine Mendoza at ibinalita rito na may kasama siya ngayon sa shooting, at binanggit niya ang name ni Alden Richards.
“Maine congrats ha! Nagsu-shooting ako ngayon, may kasama ako, ‘yung anak kong bago, ‘yung bago kong son, ang pangalan niya Alden.”
Nakangiti namang sagot ni Maine, “Congrats po sa movie ninyo Ms. Sharon.”
Sabi ulit ni Sharon, “Pero congrats ha, Hi. Alden, nandito si Maine. Hi, Direk Nuel (Naval)” na sinabayan ng tawanan ng Dabarkads at ng studio audience.
Patunay daw na isa pa rin palang certified AlDub fan si Mega, at halatang kinikilig pa rin siya sa AlDub love team, tulad pa rin ng mga loyal AlDub fans. (Nakilala noon ni Sharon sina Alden at Maine nang mag-guest siya sa “Eat Bulaga.”)
Ang tinutukoy naman ni Sharon na movie na ginagawa nila ni Alden ay ang “A Mother and Son’s Story” for CineKo Productions at dinidirek ni Nuel Naval at intended for the 2023 Metro Manila Film Festival this December.
***
STAR-STUDDED ang bagong proyekto ni Ruru Madrid sa GMA Public Affairs, after ng fantasy action series na “Lolong,” ang isa pang action series na “Black Rider,” na pagsasamahan nila for the first time ng bagong Kapuso actor and TV host na si Matteo Guidicelli.
Lahat-lahat, ang main cast ay binubuo ng 28 Sparkle actors and actresses ng GMA Network, na ang iba ay matagal na rin nating hindi napapanood sa mga shows ng GMA at ang iba naman ay kabilang sa mga Kapamilya stars.
Bukod kina Ruru at Matteo, ang iba pang bumubuo sa cast ay sina Katrina Halili, Jon Lucas, Jayson Gainza, Janus del Prado, Empoy, Rainier Castillo, Prince Clemente, Raymond Bagatsing, Gladys Reyes, Raymart Santiago, Zoren Legapi, Gary Estrada, Rio Locsin, Roi Vinzon, Almira Muhlach, Maureen Larrazabal, Aleck Bovick, Bodjie Pascua, Marco Masa, Asley Sarmiento, Luis Hontiveros, Dustin Yu, Saviour Ramos, Joaquin Manansala, Vance Larena at Kim Perez.
***
IPAGPAPATULOY na kaya ni Bimby Aquino Yap ang pag-aartista at ang pagiging host tulad ng kanyang inang si Kris Aquino?
Nag-post kasi sa social media ang Cornerstone Entertainment kung saan magkakasama sa photo ang President at CEO ng talent agency na si Erickson Raymundo, ang Vice President nitong si Jeff Vadillo, si Bimb, ang ninong niyang si Boy Abunda, at si Tin Calawod na handler ni Kris.
Bale si Boy ang tumatayong guardian ni Bimb habang wala pa si Kris sa bansa dahil patuloy pa rin siyang nagpapagaling ngayon sa Amerika.
Matatandaang naging child actor na si Bimb noong araw at ang film debut niya ay ang “My Little Bossings” with Vic Sotto, “The Amazing Praybeyt Benjamin,” at “All You Need is Pag-ibig.”
May special participation naman siya sa TV show na “Kung Tayo’y Magkakalayo.”
(NORA V. CALDERON)
-
50K jeepney drivers sa Metro Manila mawawalan ng trabaho — Manibela
POSIBLENG umabot sa 50,000 jeepney drivers sa Metro Manila ang hindi na makabiyahe at tuluyang mawalan ng trabaho sa pagsisimula ng taong 2024. Sinabi ni MANIBELA President Mar Valbuena, ito na umano marahil ang pinakamalungkot na Pasko sa hanay ng libu-libong mga jeepney drivers ngayong taon dahil bubulagain sila ng ‘jobless’ na status […]
-
PDu30, handang pondohan ang imbensyon ng oral COVID-19 vaccine
HANDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pondohan ang imbensiyon na oral COVID-19 vaccine ni Dr. & Rev. Fr. Nicanor Austriaco, OP, Professor of Biological Sciences. Sa virtual press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi nito na kung makikita na epektibo at ligtas ang oral COVID-19 vaccine na imbensyon ni Fr. Austriaco ay […]
-
Kapalaran ng Elite, itataas ni Racela
UMANGAS lang ang Blackwater sa 44th Philippine Basketball Association Commissioner’s Cup 2019 na lumagak sa No. 3 pagkaraan ng 11-game eliminations sa 3-7 win-loss card, pumasok sa quarterfinals pero sinibak ng Rain or Shine 2-1. Bago magbukas ang 45th PBA Philippine Cup sa Linggo, Marso 8, abala ang pabango sa trade pero walang nadaleng […]