• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos na muling manalo bilang US prexy: PBBM, binati si US President -Elect TRUMP

NAGPAABOT nang pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay US President-elect Donald Trump kasunod ng tagumpay nito sa kamakailan lamang na eleksyon.

 

Nagpahayag ng kumpiyansa ang Pangulo para sa mas mabunga at dynamic na partnership sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

 

Sa isang kalatas, binati ni Pangulong Marcos kapwa sina President-elect Trump at ang mga mamamayan ng Estados Unidos, na aniya’y naging matagumpay “in an exercise that showed the world the strength of American values”

 

“We look forward to working with President Trump on a wide range of issues that will yield mutual benefits for two nations with deep ties, shared beliefs, a common vision, and a long history of working together,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

“I am hopeful that this unshakeable alliance, tested in war and peace, will be a force for good, blazing a path of prosperity and amity in the region and on both sides of the Pacific,” ang dagdag na wika ng Pangulo.

 

Ang Pilipinas at Estados Unidos ay mayroong malakas at matatag na ‘record of cooperation’ sa larangan ng ‘defense and security, trade and investment, food and energy security, renewable energy, climate action, digital transformation, infrastructure development, at humanitarian assistance.’

 

Samantala, muli namang pinagtibay ni Pangulong Marcos ang commitment ng Pilipinas sa longstanding partnership nito sa Estados Unidos.

 

“This is a durable partnership to which the Philippines is fully committed, because it is founded on the ideals we share: freedom and democracy,” ang sinabi ng Chief Executive.

 

Kumpiyansa ang Pangulo na ang ‘strong leadership’ ni Trump ay makapag-aambag sa mas maliwanag na kinabukasan kapwa ng dalawang bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Quiambao sinandalan ng DLSU

    TUNAY na masasandalan si reigning MVP Kevin Quiambao ng De La Salle University sa laban nito sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament.   Pinatunayan na naman ni Quiambao ang bagsik nito matapos dalhin ang La Salle sa dikdikang 78-75 panalo laban sa National University upang matamis na makuha ang kanilang unang panalo.     […]

  • Magic coach Steve Clifford nagpositibo sa COVID-19

    Nagpositibo sa COVID-19 ang head coach ng Orlando Magic na si Steve Clifford.     Papalit pansamantala sa puwesto nito ang assistant coach na si Ty Corbin.     Sinabi ni Clifford na unang nagpositibo ito sa pagkatalo nila laban sa New Orleans Pelicans at nagnegatibo nitong Biyernes bago nagpositibo nitong Sabado.     Nagtaka […]

  • MV ng ‘Cherry on Top’, higit 8 million views na: BINI, nag-trending na naman dahil sa pagbatikos sa kanilang outfit

    NAG-TRENDING nga ang sikat na Pinoy girl group na BINI dahil sa pagbatikos ng ilang netizens.     Isang video ang nag-viral na ipinost sa isang P-pop group kung saan makikita ang members ng BINI na naka-cap, shades, at face masks, na napaliligiran ng kanilang security escorts nang dumating sa Mactan-Cebu International Airport.     May mga […]