• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos na pula-pulaan ang ipinamigay na mga gulay: ANGELU, ‘di pinalampas ang nam-bash sa kanyang birthday community pantry

HINDI nga nakaligtas sa pambabatikos ang actress-councilor ng Pasig City na si Angelu de Leon na kung saan nakunan na namimigay ito ng mga gulay sa kanyang contituents.

 

 

 

Ayon sa isang netizens, namimigay si Konsi Angelu para panoorin ang GMA series na kinabibilangan niya, ang Pulang Araw.

 

 

 

Sa post ng netizen, makikita ang video ni Angelu kung saan nag-aabot ito ng gulay na sitaw sa mga nakapilang residente habang pino-promote ang nasabing serye.

 

 

“Kakapiranggot lang na gulay tapos gusto mo manood ng Pulang Bangaw? Grabe na ang pagka-desperada mo gurl,” birada ng basher.

 

 

Ni-repost naman ito ng isa pang netizen, “JUST INday Badiday: Pulang Araw, namigay ng limang pirasong sitaw mapanood lang. Yes po, lima po, nabilang ng SGV at Nielsen…CHARitable!”

 

 

Hindi naman ito pinalampas ni Angelu at sinagot ang post ng dalawang netizen sa X (dating Twitter).

 

 

Paliwanag ng aktres na nag-celebrate ng kanyang 44th birthday last August 22, “Hi, I do my yearly birthday community pantry as a way of giving back and being grateful to my constituents.

 

Personal ko po ito.”

 

 

Dagdag pa ng batikang aktres, “Nahiya naman ako na hindi ito sapat para sa’yo. Pero I guess hindi ka naman taga-Pasig. I will promote Pulang Araw because I am proud of our show.”

 

 

Sa kanyang Facebook post, nilinaw din ni Angelu na hindi lang sitaw ang ipinamigay nila sa mga residente.

 

 

“Meron pa hong putol na upo kasi hindi ko kaya mag bigay ng buo. Pinuputol namin para meron ang lahat. May talong, ampalaya at okra din.

 

 

“Ang mahal na pala talaga ng gulay ngayon. Hindi talaga aabot ang 64 pesos sa isang masustansyang meal per day.”

 

 

Samantala, isa kinabubuwisitan ngayon si Angelu sa Pulang Araw dahil sa karakter niya bilang si Carmela Borromeo, ang asawa ni Julio Borromeo (Epy Quizon) at ina ni Teresita Borromeo (Sanya Lopez). Isa siya nagpapahirap sa buhay nina Eduardo (Alden Richards) at Adelina (Barbie Forteza).

 

 

Ang Pulang Araw nga ang nagsisilbing comeback project ni Angelu matapos magpahinga sa showbiz ng ilang taon.

 

 

Ipinagpaalam daw niya ito kay Mayor Vico Sotto ang pagtanggap ng naturang serye.

 

 

 

(Rohn Romulo)

Other News
  • 2,000 na laptop ipinamahagi ng QC LGU sa mga public school teachers

    IPINAMAHAGI ng QC Local Government Unit ang nasa 2 libong piraso ng brand new laptop sa mga guro sa mga pampublikong paaralan, Day Care Centers at Community Learning Centers sa lungsod.     Layon ng hakbang na ito ay upang matulungan sa kanilang pagtuturo ang mga QC public school teachers.     Ayon sa QC […]

  • Pinagbawalan din na ‘mmag-cellphone sa set: TESSIE, may sinitang young star na ‘di nagseseryoso

    HININGAN namin ng reaksyon si Tessie Tomas na isa sa bida ng ’Senior Moments’ tungkol sa mga kabataang artista ngayon kumpara sa panahon nila noon.   “Napakabigat ng mga tanong na yan ha,” tumatawang sagot ng aktres sa amin, “siyempre ang nakikita ko ay napaka-gadget conscious nila, their attention is very limited.   “Therefore they […]

  • Halos P.2M droga, nasamsam sa computer technician sa Valenzuela

    BAGSAK sa kulungan ang isang computer technician na sangkot umano sa pagbibenta ng ilegal na droga matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Sa kanyang report sa bagong OIC Director ng Northern Police District (NPD) na si P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police […]