Matutupad na ang wish ng fans niya: MARIAN, tuloy na tuloy na sa naudlot na project nila ni GABBY
- Published on June 7, 2023
- by @peoplesbalita
FINALLY, ay matutupad na rin ang wish ng mga fans ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na mapanood na siya sa isang teleserye.
Matatandaan na noong bago niya ipagbuntis ang bunso nila ni Dingdong Dantes na si Sixto, dapat ay gagawin nila ni Gabby Concepcion ang “First Yaya,” pero hindi natuloy dahil nang dapat ay magsisimula na silang mag-taping ay nalaman nga ni Marian na she’s on the family way.
Natuloy din ang “First Yaya” pero si Sanya Lopez na ang gumanap dito at katambal din niya si Gabby.
Naging very successful ang “First Yaya” at nagkaroon pa ito ng part two, titled “First Lady” na ginampanan pa rin nina Gabby at Sanya.
Ayon sa lumabas na tsika ang title ng pagtatambalan nina Marian at Gabby ay “Against All Odds”, nagka-casting pa lamang ang GMA ng drama series na gagawin nila.
Ang bagong serye ang magsisilbing acting comeback ni Marian, after more than four years.
Napapanood lamang si Marian every Saturday, hosting the OFW documentary drama series na “Tadnana”, sa GMA-7.
***
NAG-post na si Director Mark Reyes sa kanyang Instagram ng bubuo ng kanyang creative team na naghahanda na para sa pagsisimula ng coming production na “Sang’gre” na spin-off ng “Encantadia.”
Caption ni Direk Mark: “Game on #encantadiks! #sanggre production starts soon”
Last year pa binanggit ni Direk Mark ang update tungkol sa “Encantadia” spin-off project, na ikina-excite na ng mga Enkantadiks. Nasundan pa ito ng post ni Bianca Umali na nagti-training with a pair of arnis sticks. Kaya may mga nagsasabing tiyak na magiging part daw si Bianca ng “Sang’gre” na dating ginampanan nina Sanya Lopez at Diana Zubiri as Danaya sa “Encantadia.”
Ito nga kaya ang sinasabing, after ng “The Write One” na pinagtambalan nina Bianca at Ruru Madrid, Bianca will go solo again sa susunod niyang project sa GMA Network?
(NORA V. CALDERON)
-
Bumalik sa track ang Creamline, pinabagsak ang Troopers UAI-Army
Pinasigla ng Creamline ang opensa nito sa kahabaan upang talunin ang UAI-Army, 25-12, 25-18, 23-25, 25-23, at muling buuin ang ilang uri ng momentum para sa grand slam drive nito sa Premier Volleyball League Reinforced Conference sa Smart Araneta Coliseum noong Sabado. Nakabawi ang Cool Smashers mula sa maagang eight-point (2-10) deficit sa fourth […]
-
“Maging maayos na ang agrikultura”
“MAGING maayos na ang agrikultura” ang birthday wish ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagdiriwang ng kanyang ika- 66 kaarawan ngayong araw ng Miyerkules, Setyembre 13. Aniya pa, wish din niya na madetermina ng gobyerno kung ang bansa ay makararanas ng wet o dry season para malaman ang tulong na maaaring ibigay nito […]
-
Fernando at BPPO, nilinaw ang mga maling impormasyon kasunod ng mga naiulat na kaso ng mga nawawalang kabataang babae sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – Nilinaw ni Gobernador Daniel R. Fernando kasama ang Bulacan Police Provincial Office (BPPO) ang mga maling impormasyon at ulat na kumakalat sa social media platforms hinggil sa magkakasunod na napaulat na kaso ng mga nawawalang dalagang nasa edad 13 hanggang 25 sa Lalawigan ng Bulacan. Sa isang press conference […]