• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAVY LEGASPI, gustong maka-loveteam si KYLINE ALCANTARA

Para sa 46th birthday ni Donita Rose noong nakaraang December 5, nag-organize ito ng isang photoshoot kunsaan may glam team pa na nag-ayos ng kanyang make-up, buhok at isusuot.

 

Na-miss raw ni Donita ang ganitong klaseng photoshoots, lalo noong panahon na nagsisimula pa lang noong 1989 at nung maging sikat siyang VJ ng MTV Asia in 1997.

 

Halos lahat ng magazines noon ay cover si Donita kaya gusto lang daw niyang balikan ang mga araw na iyon.

 

“Wanted to do a fun shoot so I could remind myself that I still look good at 46. Of course I had veeeeery little help from @gwen_mua. She may have brushed my hair a little or maybe a little bit more but I could be wrong. She’s not allowed to say because I made her sign a NDA just to make me look super important. 😂” post ni Donita sa Instagram.

 

Naka-all black ensemble si Donita with matching smokey eyes.

 

Bumalik na pala sa US si Donita last September at mukhang for good na sila roon ng kanyang anak na si JP. Mas gusto raw ni Donita na malapit siya sa kanyang pamilya habang may COVID-19 pandemic.

 

“Adjusting to life here in the Bay Area. I miss everyone back home in the Philippines but then again, nothing beats being around family & being smothered with kisses all day long. 🥰 Though this pandemic has affected everyone, He can turn everything around for the good for those who love Him and are called according to His purposes. Living by faith in this new season for His protection, health and provision. Encouraging everyone to cast your burdens upon Him and He will give you rest. 🙏🏻 #bagonggising 😂”

 

*****

 

Ready na raw na subukan ni Mavy Legaspi ang gumawa ng teleserye next year.

 

Nauna na raw ang kanyang kambal na si Cassy na magkaroon ng teleserye na First Yaya at ka-loveteam nito si JD Domagoso.

 

Sey naman ni Mavy na si Kyline Alcantara ang gusto niyang maka-loveteam kung saka-sakali. Close friend daw kasi niya si Kyline.

 

“I’m really, really fine working with everyone pero siyempre may dagdag impact ‘yun ‘pag friend ko na talaga ‘yung ka-loveteam.

 

“Kyline’s like, that will never go away kasi siyempre close ko ‘yun si Kyline, eh. I know her craft very well, she’s really good.

 

There are so many other artists pero siyempre, homerun talaga ‘pag friend mo. And I think it will give me a nice boost kumbaga kasi siyempre, if ever magserye ako, it’s gonna be my first so I want to be as comfortable as possible,” sey ni Mavy.

 

Mapapanood din si Mavy sa Sarap, ‘Di Ba? at sa bagong comedy-gag-variety show na Flex.

 

000

 

Proud na pinasilip ni American Idol Season 5 runner-up Katharine McPhee ang kanyang baby bump on social media.

 

Glowing ang 36-year old singer-actress sa kanyang  mirror selfie via Instagram habang hawak niya ang kanyang baby bump suot ang isang blue coat.

 

First baby nila ito ng kanyang 70-year old husband, ang composer and record producer na si David Foster. Ito naman ang ika-anim na anak ni Foster.

 

Kinasal sina David at Katharine sa London noong June 2019. (Ruel J. Mendoza)

Other News
  • Nag-trending na naman dahil sa larawang naka-pink: Management ni SARAH, nilinaw na in-alter ang IG story kaya wala pa rin sinusuportahan

    NAG-TRENDING na naman si Popstar Royalty Sarah Geronimo nang kumalat sa social media noong Lunes, April 25, 2022, ang screenshot ng Instagram story.     May isang na photo na nagpapakita ng kalahating mukha ng isang babaeng may hawig kay Sarah na suot pink t-shirt at nilagyan ng  caption na “Papunta palang tayo sa exciting […]

  • Face masks, vaccine card ‘di na kailangan sa tourist spots – DOT

    HINDI  na kailangang magsuot ng face masks at magpakita ng patunay ng vaccination ng mga taong nagtutungo sa mga tourist spots sa bansa.     Ayon sa Department of Tourism (DOT), bahagi ng liberalisasyon sa mga restriksyon sa COVID-19 ang pagluluwag sa “health and safety guidelines” upang mas mapalakas pa ang pagdating ng mga turista […]

  • LOVI, ‘di pa makapagbigay ng statement sa negosasyon ng kanyang management team kung saan pipirma

    NAGKAROON ng tsismis na lilipat na sa Kapamilya Channel si Lovi Poe dahil hindi na siya nag-renew ng kanyang kontrata sa Kapuso Network.     Sa presscon ng latest Viva movie The Other Wife na ginanap noong Lunes, sinabi ni Lovi na open naman daw siya sa posibilidad na makapagtrabaho rin sa ibang network kung […]