• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May aklat na si Diaz

PINABATID ng Rio de Janeiro, Brazil 31st Summer Olympic Games 2016 women’s weightlifting silver medalist na si Hidilyn Diaz ang nakatakdang paglabas ng kanyang aklat na may pamagat na “Ginto’t Pilak” hinggil sa sariling talambuhay.

 

Ginawa ng 29 na taong gulang, 4-11 ang taas at tubong Zamboanga City ang anunsiyo sa kanyang Instagram (@hidilyndiaz) post nitong Linggo, Nobyembre 29.

 

Ayon sa Rome World Cup 2020/Indonesia 18th Asian Games 2018 gold medalists at Philippine Weightlifting Association , Inc. (PWAI) No. 1 hoister, inaalay niya sa mga kabataan ang kanyang libro.

 

At sigurado ring makapagbibigay ng inspirasyon at motibasyon sa lahat ito upang maabot ang mga pangarap ng bawat isa sa buhay o sinumang makakabasa ng kabuuan tungkol sa buhay niya bago naating ang pagiging bayani sa sports, o mahusay na atleta at sundalo.

 

“Ginto’t Pilak is a book about the story of my life,” caption ng Chavacano lifter. “Its a book of inspiration, a story of a young girl who started weightlifting by curiosity and after 16 years she brought home the silver medal in Rio de Janeiro Olympics for Philippines.”

 

Lumipat na sa Malacca ang 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 gold winner na si Diaz tapos matengga noon pang Marso sa Kuala Lumpur, Malaysia nang pumutok ang lockdown dahil sa Covid-19.

 

Patuloy ang kanyang training camp kasama ang Chinese coach, Guaminian therapist sa misyong mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ni-reset lang sa Hulyo 2021 bunsod ng pandemic.

 

Wala pa man akong ideya sa aklat, naniniwala ang O-D na mabuting mabasa ng mga bata ang pinagdaanang hirap ni Hidilyn bago niya narating ang rurok ng tagumpay. Sana gawin itong supplementary reading materials ng Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education (DepEd). (REC)

Other News
  • Pinoy na dumanas ng gutom dumami – SWS

    TUMAAS sa 14.2 percent ang bilang ng mga ­pamilyang Pinoy na dumanas ng gutom sa bansa, batay sa latest survey na naipalabas ng Social Weather station na ginawa noong March 2024.       Ang naturang porsyento ay mataas sa 10.7 percent annual hunger rate noong 2023 ng mga pamilyang gutom at walang makain.   […]

  • 2 MILYON SWAB TEST, NAPROSESO NA

    UMABOT na sa mahigit 2 milyon ang swab test sa buong bansa ang naiproseso ng Phiilippine Red Cross (PRC) sa patuloy nitong pagtulong sa bansa sa paglaban sa Covid-19,ayon kay PRC Chairman & CEO Sen. Richard Gordon    Nagsimula ang PRC na magsagawa ng  COVID-19 swab tests noong  April 2020, na aabot sa  9,000 samples kada […]

  • Diskriminasyon ng CHED sa hindi bakunado at bakunado walang basehan –Atty. Larry Gadon

    WALANG legal na basehan ang inilabas na order ng Higher  Education Institutions laban sa mga hindi bakunado  at hindi kumpletong bakunado  na mga mag- aaral ay labag  daw sa konstitusyon.     Sa isinagawang pulong Balitaan  sa tanggapan ng public  attorney’ office sa lungsod ng Quezon City sinabi ni Atty: Larry  Gadon, isang paglabag sa […]