May aklat na si Diaz
- Published on December 2, 2020
- by @peoplesbalita
PINABATID ng Rio de Janeiro, Brazil 31st Summer Olympic Games 2016 women’s weightlifting silver medalist na si Hidilyn Diaz ang nakatakdang paglabas ng kanyang aklat na may pamagat na “Ginto’t Pilak” hinggil sa sariling talambuhay.
Ginawa ng 29 na taong gulang, 4-11 ang taas at tubong Zamboanga City ang anunsiyo sa kanyang Instagram (@hidilyndiaz) post nitong Linggo, Nobyembre 29.
Ayon sa Rome World Cup 2020/Indonesia 18th Asian Games 2018 gold medalists at Philippine Weightlifting Association , Inc. (PWAI) No. 1 hoister, inaalay niya sa mga kabataan ang kanyang libro.
At sigurado ring makapagbibigay ng inspirasyon at motibasyon sa lahat ito upang maabot ang mga pangarap ng bawat isa sa buhay o sinumang makakabasa ng kabuuan tungkol sa buhay niya bago naating ang pagiging bayani sa sports, o mahusay na atleta at sundalo.
“Ginto’t Pilak is a book about the story of my life,” caption ng Chavacano lifter. “Its a book of inspiration, a story of a young girl who started weightlifting by curiosity and after 16 years she brought home the silver medal in Rio de Janeiro Olympics for Philippines.”
Lumipat na sa Malacca ang 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 gold winner na si Diaz tapos matengga noon pang Marso sa Kuala Lumpur, Malaysia nang pumutok ang lockdown dahil sa Covid-19.
Patuloy ang kanyang training camp kasama ang Chinese coach, Guaminian therapist sa misyong mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ni-reset lang sa Hulyo 2021 bunsod ng pandemic.
Wala pa man akong ideya sa aklat, naniniwala ang O-D na mabuting mabasa ng mga bata ang pinagdaanang hirap ni Hidilyn bago niya narating ang rurok ng tagumpay. Sana gawin itong supplementary reading materials ng Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education (DepEd). (REC)
-
Wish ng fans na magkaanak na sila ni Kat: CHRISTIAN, ‘di pa rin makapaniwalang 20 years na sa showbiz
HINDI makapaniwala si Christian Baustista na dalawang dekada na siya sa showbiz at bilang pasasalamat sa mga sumuporta sa kanya, may pinaghahandaan itong anniversary concert ngayong January. Nagpapasalamat ang tinaguriang Asia’s Romantic Balladeer na maayos at malakas ang kanyang pangangatawan para magawa niyang ma-celebrate ang 20 years sa industriya. “We’re gonna obviously reminisce […]
-
Pinas, handang makatrabaho ang mga ASEAN partners para sa food security
HANDA ang gobyerno ng Pilipinas na makatrabaho ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang tiyakin ang food security sa bansa at sa rehiyon. Nakiisa si Pangulong Marcos sa kanyang mga kapwa lider sa idinaos na 25th ASEAN Plus Three (China, Japan, Korea) Summit sa Phnom Penh, Cambodia. “Attaining food self-sufficiency and […]
-
NAVOTAS NAITALA ANG MAS MABABANG KASO NG COVID-19
SA loob ng tatlong magkakasunod na linggo, muling nakapagtala ang Navotas city ng pinakamababang kaso ng COVID-19 kada araw. Ayon sa OCTA Research Group, mula 12.36 average daily attack rate (ADAR) sa April 25-May 1 at 7.2 sa May 3-9, bumulusok ang ADAR ng lungsod sa 5.99 nitong May 9-14. “We […]