May appreciation post sa kanyang mom and dad: GABBI, sinamantala na makapagbakasyon sa Amerika kasama si KHALIL
- Published on September 2, 2022
- by @peoplesbalita
NAG-ANNOUNCE na si Kapuso Primetime King and host of the number one game show ng GMA-7, ang “Family Feud” sa kanilang mga avid viewers na pwede na silang makapanood ng hulaan LIVE sa Family Feud Philippines stage.
Mag-register sa gmanetwork.com/FamilyFeudAudience para makasama bilang Studio Audience ngayong Saturday, September 3, 2022. Registration is open until 7:00PM today, Friday, kaya register na Kapuso #FamilyFeudAudience #FamilyFeudPH.
Ang “Family Feud” ay napapanood Mondays to Fridays, 5:40 PM sa GMA-7.
***
AFTER ng successful airing ng first GMA Telebabad series ng loveteam nina Gabbi Garcia at boyfriend Khalil Ramos, ang “Love You Stranger,” ay sinamantala nila ang chance na makapagbakasyon.
Sa Instagram post ni Gabbi: “Appreciation post for my Mom & Dad. It’ll be my first long vacation without them. Thank you for allowing me to do this. I really, really appreciate it. I’m blessed to have parents who are allowing me to grow on my own. Thank you for trusting me.
“My mom even made arrangements with her flight sched as a crew so she could personally assist @khalilramos and I.”
Malamang sa pagbalik nina Gabbi at Khalil, ready na ang first project nina Gabbi at Joshua Garcia, isang collaboration project between GMA Network and ABS-CBN.
***
FINALE episode na bukas ng GMA Network Afternoon Prime series na “Apoy sa Langit.”
Marami nang excited kung paano matatapos ang kasamaan ni Cesar (Zoren Legaspi) at dasal ng mga netizens, sana raw ay wala nang masasaktan kina Gemma (Maricel Laxa), Ning (Mikee Quintos), and even kay Stella (Lianne Valentin), sa kabila ng mga kasamaang ginawa nito, at nina Anthony (Dave Bornea) na boyfriend ni Ning, dahil ayaw pa ring huminto sa paggawa ng kasamaan ni Cesar.
Sobra na raw ang kasamaan ni Cesar at wala nang dapat na puwang ang pagpapatawad sa kanya, dahil siya naman talaga ang gumawa ng lahat dahil sa pagkagahaman niya sa salapi.
Congratulations sa buong cast ng “Apoy Sa Langit.” Matatandaan na kahit napahaba ang afternoon prime series, nang kailanganing dagdagan ang mga eksena dahil nabitin ang mga netizens sa kaganapan ng story, ay hindi naman tumanggi ang mga artista at muli silang bumalik sa lock-in taping nila, somewhere in Batangas.
Congratulations kay Direk Laurice Guillen, at sa buong production staff ng serye!
Simula naman sa Monday, September 5, isa pang kaabang-abang at naiibang teleserye ang susunod na mapapanood, ang world premiere ng “Abot Kamay ang Pangarap,” na magtatampok kina Jillian Ward, Ms. Carmina Villarroel, Richard Yap, Dominic Ochoa, sa direksyon ni LA Madredejos, 2:30 PM, after “Eat Bulaga.”
(NORA V. CALDERON)
-
Tuloy na tuloy kahit may pandemya: SHARON, CHARO, DANIEL, CHRISTIAN at DINGDONG, ilang lang sa maglalaban-laban sa GEMS Awards
KAHIT na may pandemya, hindi nagpatinag ang GEMS – Hiyas ng Sining sa pagbibigay ng award. Headed by Mr. Norman Llaguno, inilabas na GEMS ang mga nominado sa iba’t-ibang kategorya. Virtual awarding lang muli dahil sa lockdown na naman tayo sa NCR although ang plano sana nila ay live awarding. Magaganap […]
-
Ads February 22, 2023
-
APEC, mahalaga para makaiwas sa labanan, i-promote ang kapayapaan sa rehiyon-PBBM
BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) para makaiwas sa labanan at i-promote ang kapayapaan sa rehiyon. “I wish to emphasize once more that global and regional economic governance platforms such as APEC are geared towards averting conflict because sustained prosperity and progress are only possible […]