May badyet bago matapos ang taon – Speaker Romualdez
- Published on November 26, 2022
- by @peoplesbalita
SINIGURO ni Speaker Martin Romualdez ngayong Biyernes kay Presidente Bongbong Marcos at sa buong bansa na magkakaroon ng “Agenda for Prosperity national budget” bago matapos ang taon.
Ang paniniguro ay ginawa ni Romualdez kasunod na rin nang pagsisimula ng kamara at senado para mapagtugma ang kani-kanilang bersiyon ng panukalang P5.268-trilyong 2023 budget sa bicameral conference committee (bicam).
Sina Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co, chairman ng House Committee on Appropriations, at Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance, ang siyang nanguna sa bicam panel.
Kapwa naipasa ng kamara at senado ang kani-kanilang bersyon ng panukalang 2023 budget.
Ayon kay Romualdez, may sapat na panahon pa ang dalawang kapulungan para magkaroon ng pinal na bersyon ng budget bago magsimula ang kanilang Christmas recess sa Disyembre 17.
“We have sufficient time, we will finally approve the budget before yearend. It is the most important tool in accomplishing the objectives of the President’s Agenda for Prosperity and his eight-point socio-economic development plan,” paniniguro ni Romualdez.
Umaasa ito na sa pamamagitan ng 2023 budget ay masusustena o mapapabilis ng pamahalaan ang paglago ng ekonomiya ng bansa. (Ara Romero)
-
Magkapatid na Mocon bobrotsa para sa RoS
MAGIGING magkakampi pala ang magkapatid na Javee at Kenneth Mocon sa Rain or Shine sa pagsambulat ng 46th Philippine Basketball Association Phiippine Cup 2021 sa darating na Linggo, Abril 18 sa Ynares Center sa Antipolo City. Kapuwa produkto ng San Beda University ang dalawa kung saan naging third round pick ng Elasto Painters […]
-
DOJ: Drug case vs De Lima ‘di iaatras
NANINDIGAN si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi ibabasura ng gobyerno ang mga drug case na kinakaharap ni dating senador Leila de Lima sa gitna ng mga naging panawagan ng mga mambabatas ng Estados Unidos na palayain siya sa pagkakakulong at isantabi ang lahat ng mga kasong isinampa laban sa kanya. “Kinausap […]
-
Pagbaba ng presyo ng bigas, magtutuloy-tuloy na dahil pag-amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL)
KUMPIYANSA si National Unity Party (NUP) president LRay Villafuerte na magtutuluy-tuloy ang pagbaba sa presyo ng bigas matapos maaprubahan ni Pangulong Marcos ang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL). Ayon sa mambabatas, niratipikahan ng kongreso bago ang Sept. 28-Nov. 3 break nito ang panukalang amyendahan ang RTL o Republic Act (RA) No. 11203 sa […]