• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May concert series at musical play kasama si Regine: OGIE, todo ang suporta sa pagbabalik-Big Dome ni MARTIN

NAGING matagumpay ang ginanap na trade launch noong Huwebes (May 23) ng ATeam (Alcasid Total Entertainment and Artist Management Inc.) ang company na pinamumunuan ng OPM Icon na si Ogie Alcasid.

Kasama sa naturang big event sina Martin Nievera, Vhong Navarro and Jhong Hilario with the Streetboys, Lara Maigue, Gian Magdangal, Amy Perez, Randy Santiago, at si Regine Velasquez-Alcasid naman ang special guest.

Maraming sumuporta as naturang trade launch at ilan sa nakita namin sina Ara Mina, Ryan Bang at Jed Madela.
In-announce nga sa pangunguna ni Ogie na may naka-line up na 21 shows sa taung ito hanggang 2025.

At isa sa matinding collaboration nila kay Concert King, na ipo-produce ng  ATeam ang ‘The King 4Ever’ concert ni Martin sa Araneta Coliseum ngayong September 27.

Magsasama naman sa isang concert sina Lara at Gian sa Gateway.
Tiyak na marami na rin ang excited sa Streetboys reunion na gaganapin naman sa New Frontier Theater.
Naka-line up din ang ’String Fever’ concert ni Noel Cabangon and friends.
Kaabang-abang din ang tagisan ng pag-awit nina Jed Madela, Bituin Escalante at Poppert Bernadas para sa ‘Power X3’.
Of course, hindi naman magpapahuli si Ogie, dahil hahataw siya sa kanyang concert series at may sinusulat siyang musical play na kung saan magko-compose siya ng new  songs at makakasama niya dito si Regine, na for sure, kakaiba ito sa mga nagawa na nila in the past.
Siguradong marami pa tayong aabangang concerts at musicals na ipo-produce ng ATeam nina Ogie.
***
SAMANTALA, isang malungkot naman na balita ang ipinarating ni Ogie dahil ang pagpanaw na kanilang manager.
Ibinahagi niya ang official statement ng pamilya:
“This is from the family of my manager Leo Dominguez.
“It is with deep sorrow that we announce the peaceful passing of Leo Vinluan Dominguez, who has left us to join our Creator. True to his gentle and quiet nature, Leo departed serenely.
“We invite you to pay your respects at the urn visitation, which will be held on Sunday, May 26, 2024, at St. Alphonsus Mary de Liguori, Magallanes, Makati City. Visitation hours will be from 10 a.m. to 12 midnight, with mass at 5 p.m.
“In lieu of flowers, we kindly request your prayers for Leo’s eternal peace.
“Please be informed that LVD Management Corp will continue its operations under the leadership of Rey Lañada and Freddie Blasco, his business partners.”
Our deepest condolences and prayers to the family…
27
Other News
  • Ads May 7, 2022

  • McCOY, pinahanga ang mga nakapanood sa husay bilang teen YORME

    NATULOY ang premiere night ng Yorme: The Isko Domagoso Story last Tuesday pero sa January na ito magbubukas sa mga sinehan.     Si Mayor Isko mismo ang kumausap sa producers na next year ipalabas. Gusto niya mas maraming youth and young adults ang makapanood at ma-inspire sa kwento ng kanyang buhay na sa kasalukuyan […]

  • Ads November 17, 2023