• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May explanation ang ‘Magandang Dilag’… HERLENE, minsan nang na-late sa taping pero ‘di na naulit

NAKAKAKUHA ng mataas na rating na 11.3 percent last July 26, ang GMA Afternoon drama series na “Magandang Dilag” na nagtatampok kina Herlene Budol, Rob Gomez at Benjamin Alves. 

 

 

Kaya naman labis ang pasasalamat ni Herlene sa mga viewers ng serye, nang ma-interview siya ni Kuya Kim Atienza sa programa nitong “Dapat Alam Mo!” nang sumalang siya sa lie detector test sa “Not Gonna Lie” segment ng afternoon show.

 

 

Ang tanong kay Herlene ni Kuya Kim totoo ba na siya ang cause of delay sa taping ng kanyang drama series dahil sa rami ng raket niya?

 

 

“I’m not gonna lie Kuya Kim, yes,” sagot ni Herlene.

 

 

“May explanation po ako diyan, Isang beses lang po ako na-late dahil po sa strike sa amin sa Angono, Rizal.  May sasakyan po naman ako, pero yung mga nakaparada pong mga jeep na nagprotesta, sa amin po kasi nakaparada, so wala po akong malabasan noon.

 

 

“Pero matapos po noon, hindi na ako naulit ma-late.  So, once is enough, hindi na po naulit iyon.”

 

 

                                                            ***

 

 

SI Rob Gomez naman ang natanong ni Boy Abunda sa “Fast Talk with Boy Abunda,” kung totoong nililigawan niya ang katambal na si Herlene Budol, at nakita pa silang magka-date sa GMA Gala 2023?

 

 

“We’re really good friends, and she’s really, really smart and funny girl, so I’m very lucky to be able to work with her,” sagot ni Rob.

 

 

“Pero hindi ko siya nililigawan.  I don’t know if I can disclose it, but I have someone, masaya po tayo ngayon.

 

 

I’m very happy with how everything is going with work, with my life outside of work. Everything is good, really, really good.”

 

 

Kapana-panabik na ang bawat eksena ngayon ng “Magandang Dilag,” dahil nakabangon na si Gigi (Herlene) sa panloloko sa kanya ng dating boyfriend.

 

 

Kaya abangan ang serye na napapanood tuwing 3:20 p.m., after “Abot-Kamay na Pangarap” sa GMA-7.

 

 

***

 

 

HINDI nakalimutan ni Sunshine Cruz na batiin ang ex-husband niyang si Cesar Montano, noong birthday nito last August 1.

 

 

She posted a selfie of her daughters na sina Angelina, Sam and Chesca with Cesar.  Her caption, “Happy birthday to the father of my three beautiful princesses. May God bless you more! Cheers!”

 

 

Muling nagkasama-sama ang pamilya last year during the debut of Sam at nang mag-attend sila ng graduation nito this year.  Simula noon, si Sunshine at mga anak were able to spend more time with Cesar, kasama ang mga anak nila ng partner nitong si Kath Angeles, at ang half-brother nilang si Diego Loyzaga.

 

 

In good terms din naman kasi sina Sunshine at Kath. Sa isang previous Facebook post, nagpasalamat din si Sunshine sa kind words and support ng mga netizens sa kanilang modern family.

 

 

Dagdag pa ni Sunshine: “love and forgiveness prevailed in our little family.”

 

 

Napapanood ang aktres sa “Unbreak My Heart” Monday to Thursday, after “Royal Blood” sa GMA-7.

 

 

(Happy 80th Birthday Tita Noi! May God bless you more years and good  health. – PB)

 

 

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Kahit parehong buong husay na naitatawid: DINGDONG, inaming magkaiba ang challenge sa hosting at sa pag-arte

    KILALANG aktor at host si Dingdong Dantes.   Isa siya sa iilang personalidad sa showbiz na buong husay na nakatatawid sa pag-arte sa harap ng kamera bilang artista at nakapagdadala rin ng programa bilang host.   Bilang artista, bidang karakter si Dingdong bilang si Napoy sa ‘Royal Blood’ ng GMA.   May pelikula rin sila […]

  • Filipinas, 7 iba pang teams, pinuri ng FIFA sa World Cup

    Pinuri ni FIFA General Secretary Fatma Samoura ang Philippine womens’ Football team dahil sa pagpasok sa unang pagkakataon sa World Cup.   Matatandaang kabilang  ang Pilipinas at pitong iba na kinabibilangan ng Haiti, Morocco, Panama, Portugal, Ireland, Vietnam at Zambia sa mga bansa na unang sasabak sa World Cup.   Sisipa ang FIFA Women’s World […]

  • Umano’y pagpasok ng India COVID-19 variant sa bansa, tunay na nakababahala – OCTA

    Magiging malaking problema umano ng Pilipinas kung totoo ang mga ulat na nakapasok na sa bansa ang Indian variant ng coronavirus disease.     Ayon kat OCTA Research fellow Dr. Guido David, malaki ang magiging epekto ng nasabing variant kung kakalt ito sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit na lugar dahil hindi raw […]