• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May makahulugang Holy Week message: JULIA, nangakong mas magiging malapit pa sa Diyos

NOONG Holy Wednesday, nag-post ang Kapamilya actress na si Julia Montes sa kanyang social media account ng isang makabuluhang mensahe na para din sa lahat ng makababasa.

 

 

Makikita sa IG post ng aktres na malapit na malapit sa puso ni Coco Martin, ang isang larawan na parang altar na may mga nakapatong na crucifix, nakasinding kandila, Holy water, white flowers at isang parang aklat na may nakasulat na “Plano ni Lord.”

 

 

Nilagyan niya ito ng makahulugang caption, “Let’s not start our day with the broken pieces of yesterday…

 

 

“Every morning we wake up, it is the first day of the rest of our life.”

 

 

Dagdag pa ni Julia, “After my 28th birthday, I realized so many things in life and I’ve never been more grateful.

 

 

“I promise it’s gonna be closer to You this time around… Lifting everything up to You, Lord God.”

 

 

Kasama ang #morningreflection #yourJM.

 

 

***

 

 

NAGPAALALA naman ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB)
sa lahat ng mga operator ng mga pampublikong sasakyan na tanging mga pelikula at palabas
sa telebisyon na may “G” at/o “PG” rating lamang ang pinahihintulutan na ipalabas sa loob
ng mga pampublikong sasakyan.

 

Nakasaad sa MTRCB Memorandum Sirkular Blg. 09-2011 na ang lahat ng mga pampublikong sasakyan at pampublikong lugar na nagpapalabas o nagtatanghal ng mga “motion picture” ay itinuturing na rin na “movie theaters,” dahil ito ay accessible sa lahat:

 

“All common carriers and other public places that openly and publicly exhibit motion pictures shall
be treated as movie theaters for purposes of regulation by the Board.”

“Owing to their public service character and accessibility to the public regardless of age, common
carriers and other public places can only publicly exhibit motion pictures classified by the Board as for
General Patronage (G) or Parental Guidance (PG).”

 

“Materials with contents beyond the ‘PG’ rating, are prohibited for public exhibition in common
carriers and other public places: Sexually derived and vulgar use of swear words or those referring to the
genitalia; Use of strong expletives; Sexually oriented nudity; Breast exposure; Implied and graphic depiction
of sexual activity; Exhibition of genitalia and excretory functions; Glamorization of violence and criminals;
Portrayal of characters taking pleasure in inflicting or receiving pain; Sexual violence; Focalization on
injuries and blood; Images of drug and substance use; Gory and strong scary scenes; Those that are contrary
to law and/or good customs, and finally; Those that are libelous or defamatory.”

 

Matatandaan na noong taong 2011, ang MTRCB ay lumagda ng Memoranda of Agreement sa pagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at sa Maritime Industry Authority (MARINA). Layunin ng ugnayan ng mga ahensiyang ito ang maproteksiyunan ang kapakanan ng publiko laban sa mga pelikula at palabas sa telesbisyon na offensive at labag sa contemporary Filipino cultural values, na siyang pamantayan ng MTRCB Board sa pagre-rebyu ng mga nilalaman ng pelikula at telebisyon.

 

Hinihikayat ang mga pasahero na i-report ang anumang paglabag sa MTRCB sa pamamagitan ng: Elektronikong liham: admin@mtrcb.gov.ph; Telepono: (632) 8 276 7380; o Facebook/Instagram: @MTRCBGov.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Face shield mandatory sa pagboto – Comelec

    HINDI muna dapat itapon ang mga ‘face shields’ dahil sa kakailanganin pa ring isuot ito ng mga botante na dadagsa sa tinatayang 105,000 voting precincts sa National at Local Elections sa Mayo 9, ayon sa Commission on Elections (Comelec).     “We are looking at 105,000 precincts. That is up from only around 80,000 nung […]

  • PDu30, naglaan ng P3.5 bilyon para sa national ID

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kanyang gabinete ang karagdagang pondo para sa pagpaparehistro ng  20 milyong mamamayang Filipino  sa national ID system sa susunod na taon.   P3.52-billion additional budget ang inilaan para sa  2021 para irehistro  mahigit 20 milyong indibidwal maliban sa 50 milyong target sa  Philippine Identification System (PhilSys).   Ayon […]

  • 40-K sundalo idi-deploy ng AFP nationwide para magbigay seguridad

    MAHIGIT  40,000 personnel ang ide-deploy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa buong bansa para tumulong sa pagbibigay seguridad sa araw ng halalan sa May 9,2022 national and local elections.     Ayon kay AFP spokesperson Col. Ramon Zagala, ang deployment ng mahigit 40,000 sundalo sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ay para imonitor […]