May mensahe rin kay Kyline na nali-link sa anak: JACKIE, proud mom sa pagrampa ni KOBE sa ‘New York Fashion Week’
- Published on September 18, 2024
- by @peoplesbalita
PROUD mom si Jackie Forster sa pagrampa ng anak na si Kobe Paras sa New York Fashion Week.
May mensahe rin si Jackie kay Kyline Alcantara na nali-link ngayon kay Kobe.
Sa Instagram, ibinahagi ni Jackie ang video compilation ng pagrampa ni Kobe sa naturang fashion event para sa brand na Millari.
“We are so ready for it! Kobe walking at #NYFW for @milarri_” saad ni Jackie sa caption.
Nagkomento naman si Kobe sa naturang post ng kanyang ina na, “I love you so much mama,”‘ na may kasamang red heart emojis.
“I love you more! See!? It only took me two days to make the video so proud of you two keep pushing pass your comfort zone my beautiful talented boy! Anything is possible,” tugon ni Jackie sa anak.
Nagkomento rin si Kyline sa post ni Jackie na may tatlong white heart emojis.
Tugon dito ni Jackie para kay Kyline, “Sky is the limit for you two!”
Rumampa rin sa naturang event si Kyline para sa Filipino fashion designer na Chris Nick’s Spring/Summer 2025 show.
Walang pagkumpirma mula sa dalawa tungkol sa tunay nilang relasyon, pero inihayag ni Kyline sa isang panayam na masaya siya ngayon.
***
PROUD ang Kapuso singer-songwriter Vilmark sa latest single niya under GMA Music na “O Jo!”
Isa itong heartwarming love song that pays homage to his roots and celebrates the beauty of Kapampangan culture.
“O Jo!” is a term of endearment in Kapampangan, inspired by Vilmark’s personal experiences as a witness sa pagmamahalan ng kanyang parents.
“I hope the song will inspire listeners to embrace their heritage and celebrate the power of love. I hope people will feel kung paano magmahal ang isang Kapampangan. This is my first single about love and I’ve been waiting for this perfect time to finally release a love song,” sey pa niya.
Stream Vilmark’s “O Jo!” on digital platforms worldwide.
***
FOR the first time ay dalawang Japanese actors ang nagwagi sa Primetime Emmy Awards bilang lead actor and actress in a drama series.
Ito ay sina Hiroyuki Sanada at Anna Sawai na nanalo para sa FX series na Shogun. Nanalo ring Best Drama Series ang Shogun.
Pamilyar ang maraming Pinoy kay Sanada dahil gumawa siya ng pelikula sa ating bansa noong 1995 titled Sigaw ng Puso kunsaan nakasama niya sina Lorna Tolentino at Sharmaine Suarez.
Bagama’t hindi nanalong Best Comedy Series ang The Bear ng FX at napanalunan ito ng Hacks ng HBO, napanalunan ng The Bear ang best actor (Jeremy Allen White), best supporting actor (Ebon Moss-Bachrach) at best supporting actress (Liza Colon-Sayas).
Si Jean Smart ang nanalong best comedy actress for Hacks.
Ang iba pang nanalo ay sina Jodie Foster (best actress in a limited series: True Detective); Billy Crudup (best supporting actor in a drama series: The Morning Show); Richard Gadd (best actor in a limited series: Baby Reindeer); Elizabeth Debicki (best supporting actress in a drama series: The Crown); Jessica Gunning (best supporting actress in a limited series: Baby Reindeer); Lamorne Morris (best supporting actor in a limited series: Fargo); Baby Reindeer (best limited series); Traitors (best reality competition program); The Daily Show (best talk series).
(RUEL J. MENDOZA)
-
VP Robredo bumanat vs 4 na karibal sa halalan
HINDI bibitaw sa pangangampanya para sa pagkapangulo si Bise Presidente Leni Robredo matapos pagkaisahan ng kampo ng mga katunggaling sina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Sen. Panfilo Lacson, Sen. Manny Pacquiao at Norberto Gonzales sa isang joint press briefing. Linggo nang manawagan sina Domagoso na dapat nang umatras sa presidential race si […]
-
MGA PEKENG RESIBO at LISTAHAN ng mga TAONG BAWAL PUMASOK sa LTFRB, DAPAT IMBESTIGAHAN
May “Fake Receipt Representatives” tagging pala sa LTFRB. Ayon sa mga nagrereklamo ay kapag napabilang ka sa tinatawag na “List of Authorized Representatives submitted Fake/ Tampered Receipts” ay ban ka pumasok sa LTFRB central office. Nakakuha ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ng listahan at kinumpirma sa amin na hindi nga […]
-
NBA ikinatuwa na wala nang naitatalang players na nagpositibo sa coronavirus
Ikinatuwa ng NBA na wala ng nagpositibo sa coronavirus na mga NBA players sa Orlando mula pa noong Hulyo 13. Nangangahulugan aniya ito na epektibo ang ginagawa nilang bubble method. Sa kabuang 346 na mga manlalaro na nasa Disney World campus ay nagnegatibo na ang mga ito. Patuloy din aniya nilang ipinapatupad […]