• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May milagro kay Black

NAGAGALAK at pasalamat si incoming Meralco sophomore professional Aaron Black sa pagkakasama niya top five candidates para sa Outstanding Rookie award ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Online Awards sa darating na Linggo, Enero 17.

 

“Definitely an honor to be considered as one of the better rookies of the (Philippine Cup) bubble,” litanya kahapon ng dating Ateneo Blue King Eagle sa University Athletic Association of the Philippine at anak ni Bolts coach Norman Black.

 

Swak sa No. 2 ng nakababatang Black sa statistical points (SPs) para sa nasabing parangal, na sinasandalan niya niyang motibasyon dahil kahit aniya ‘di bigatin at ‘di kabilang siya sa top rookie prospects, naging kandidato siya sa magandang puwesto.

 

Humihinga siya sa bumbunan sa SPs kay Roosevelt Adams ng Terrafirma Dyip at angat kina Kevin Barkley Eboña ng Alaska Milk, Aris Dionisio ng Magnolia Hotshots at Arvin Tolentino ng Barangay Ginebra San Miguel

 

“Even if you are drafted in the third or fourth round, if you work your butt off and you have the opportunity to show what you work for, I think it’s possible,” giit ng 24-anyos at 6-1 na kaliweteng guard.

 

Siya’y tinapik sa second round, 18th pick overall sa 35th PBA Rookie Draft 2019 ng kanyang tatay. (REC)

Other News
  • Health experts inirekomenda ang 2nd booster shots para sa mga medical workers at mga matatanda

    INIREKOMENDA ngayon ng Health Technology Assessment Council (HTAC) ang pagbabakuna sa second booster shot para sa mga health care workers na nasa A1 category at at senior citizens na nasa A2 category.     Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) chief at Health Undersecretary Myrna Cabotaje, hinihintay na lamang daw sa ngayon ng HTAC […]

  • DepED, ipinag-utos sa mga eskuwelahan na magsagawa ng mandatory unannounced earthquake, fire drills

    IPINAG-UTOS ng Department of Education (DepED) sa lahat ng  public schools na magsagawa ng “unannounced earthquake at fire drills” para makatulong na pataasin ang kamalayan ng mga mag-aral at personnel ukol sa kung ano ang dapat gawin kapag may nangyaring natural calamities.     Nilagdaan ni  Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte, ang […]

  • MIYEMBRO NG ABU SAYYAF GROUP NAARESTO SA NAIA

    NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa kabila ng pagtatago nito sa kanyang pagkakakilanlan .     Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente  na si Omar Bin Harun, 52, ay nasabat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 paglapag niya sakay ng Philippine […]