• February 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May nagsara, nagbukas kay Alas

PINAGSARHAN ng pinto ng Phoenix Superkalan LPG Fuelamsters sa Philippine Basketball Association (PBA) si Francisco Luis Alas nitong Setyembre 11.

 

Pero may panibagong bintana namang nagbukas para sa buhay-pamilya ng beteranong coach na nakatakdang matapos ang tatlong kontrata sa team sa darating na Oktubre 31.

 

“Year 2020, nawala ang trabaho ko pero tatlong babae naman ang pumalit – si Amy ‘yung wife ni Junjun, si Selina ‘yung wife ni Kevin, at si Kamryn. So, saan ka pa, ‘di ba?” ,isa-isa ng 56-anyos na nanggaling na bilang tactician sa tatlong iba pang mga liga.

 

Ito ay sa ASEAN Basketball League (ABL), nabuwag na Metropolitan Basketball Association (MBA) at National Collegiate Athletic Association (NCAA). Pa-Phoenix hinawakan din niya ang Mobiline/Talkk ‘N Text sa PBA.

 

May dalawang bagong manugang at isang apong babae na si Alas ngayon.

 

“Kahit sinasabi mo nga na sobrang saya tapos napalitan ng lungkot,” dugtong niya.

 

“Pero hindi mapapalitan ‘yung saya na nakuha namin du’n sa pagkawala ng isang trabaho lang.”

 

Biyernes ng nabanggit na petsa ng buwang ito nang ipaskil ng Phoenix management na sinibak na si Alas bilang coach, walang binigay na konkretong rason. At pinalit sa puwesto niya si assistant coach Michael Christopher Robinson.

 

“’Nung pagpirma ko sa kanila dito, ang sinabi ko, ‘If you feel na ‘yung performance ko is nagdi-dip na, wala kayong kailangang gawing justification whatsoever. Just let me know,’” esplika pa ng bench strategist.

 

Maliwanag aniya ‘yung usapan nila, performance-based ang termino niya.

 

Sapul nang maupo sa koponan noong 2017, nakakolekta si Alas ng 33-33 win-loss record sa Fuel Masters.

 

Sa unang senaryo sa prangkisa, top seed ang Phoenix pagkatapos ng eliminations ng 44th Philippine Cup 2019, nakaentra Final Four pero niligwak ng eventual champion San Miguel Beer. Hindi na sila nakabalik sa playoffs sa sumunod na dalawang komperensya.

 

Isa sa pumilay sa gasolina ang indefinite suspension kay Calvin Abueva sa kaagahan ng midseason Commissioner’s Cup. (REC)

Other News
  • VILMA, pangarap pa rin ni Direk BRILLANTE na makatrabaho sa isang movie; type ding maidirek sina JOSHUA at NADINE

    BIHIRA ang pagkakataon na makakwentuhan ang Cannes Palme D’Or winner director na si Brillante Mendoza.     We were fortunate na naimbita ng award-winning director sa kanyang Secret Garden sa Mandaluyong, na ang laki na nang pagbabago since the last time we were able to go there many years ago.     Kahit na mahaba […]

  • FDA: EUA ng mga bakuna, maaari pang mabago kung may safety issue

    Binigyang-diin ng Food and Drug Administration (FDA) na maaari pang mabago ang mga kondisyon sa emergency use authorization (EUA) sakaling magpakita ng isyu sa kaligtasan ang isang vaccine product.     Pahayag ito ni FDA director-general Eric Domingo matapos mamatay ang 23 senior citizens sa Norway matapos maturukan ng bakunang gawa ng Pfizer-BioNTech.   Ayon […]

  • P9 pa rin ang minimum na pamasahe

    MANANATILING P9 pa rin ang minimum na pamasahe hanggang hindi pa binibigyan ng aksyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga public utility jeepneys (PUJs) na P10 bilang provisional na pamasahe.       Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra na humingi ang mga transport groups na itaas ang pamasahe […]