May napili ng kapalit ni Sinas bilang hepe ng PNP
- Published on May 5, 2021
- by @peoplesbalita
NAKAPAMILI na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kung sino ang susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na wala siyang go signal para isiwalat at ianunsyo sa publiko kung sino ang napisil ni Pangulong Duterte na magiging kapalit ni PNP chief Police General Debold Sinas, na nakatakdang magretiro sa Mayo 8.
“I know he has made the decision but I’m not at liberty to announce anything unless I have the appointment paper,” ayon kay Sec. Roque.
Kaugnay nito, sinabi naman ni DILG Secretary Eduardo Año na isang pangalan lamang ang isinumite ng National Police Commission (Napolcom) para maging kapalit ni Sinas.
Sinabi ng Kalihim na anumang araw ngayong linggo ay inaasahang iaanunsyo ni Pangulong Duterte ang bagong PNP Chief.
“Within the next few days, bago matapos ang linggong ito ay magkakaroon ng anunsyo ang ating Pangulo kung sino ang kanya pipiliin dahil may karapatan ang Pangulo na pumili from any of the star-ranked of the Philippine National Police,” ayon naman kay DILG usec. Jonathan Malaya.
Samantala, sinabi naman ni Año na ibinase nila sa merito, seniority at kapabilidad ng liderato at dating assignment sa PNP ang iniendorso nilang maging kapalit ni Sinas. (Daris Jose)
-
Panganay na anak ni LeBron James na si Bronny kinuhang endorser na ng isang sports brand
PUMIRMA ng endorsement deal sa sports apparel na Nike ang panganay na anak ni Los Angeles Lakers star LeBron James na si Bronny. Isa lamang si Bronny sa limang amateur basketball players na pumirma ng endorsement deals. Una naging bahagi si Bronny ng Nike marketing ng pinakabagong sneakers na Nike LeBron […]
-
Mga taga- NCR dumagsa sa mga pampublikong pasyalan at mall, parang nakawala sa hawla –MMDA
ITINURING ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos Jr. ang mga tao sa National Capital Region (NCR) na parang nakawala sa hawla sa unang linggo ng alert level 3 sa Metro Manila. Dumagsa kasi ang mga tao sa ilang pampublikong lugar at mga pasyalan gaya sa Manila bay. Ani Abalos, nalito […]
-
Ads September 4, 2023