• April 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May offer na movie na makakatambal niya si JASMINE: JOHN LLOYD, nilinaw na hindi exclusive contract star ng GMA dahil may sariling management

MARAMI nang naghahanap kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at marami nang tanong sa GMA Network kung kailan siya muling gagawa ng project?  

 

 

Napapanood lamang ngayon si Marian every Saturday, sa pagho-host niya ng OFW drama anthology na Tadhana.  Sa ngayon daw ay naka-leave pa rin si Marian, dahil ingat na ingat pa rin siya para sa dalawa nilang anak ni Dingdong Dantes, sina Zia at Sixto

 

 

Pero baka raw ngayon na medyo maluwag na at patuloy nang bumababa ang active cases ng Covid-19, pwede nang ituloy ang inihahandang sitcom na pagsasamahan nila ni Dingdong Dantes

 

 

Sa ngayon ay si Dingdong muna ang balik-trabaho, after gawin niya ang episode ng I Can See You: AlterNate.

 

 

Nagsimula na kasing mag-taping si Dingdong as host ng family game show na Family Feud na mapapanood na simula sa Monday, March 21, sa GMA-7.

 

 

***

 

 

NILINAW na ni John Lloyd Cruz na hindi siya exclusive contract star ng GMA Network, at ang Crown Artist Management nina Maja Salvador ang nagha-handle sa kanyang career.

 

 

Masaya naman ang GMA dahil ang first project ni Lloydie sa kanila na Happy ToGetHer na dinidirek ni Edgar “Bobot” Mortiz ay nagri-rate at inihahanda na ang second season nito.

 

 

May offer din ang GMA na movie kay Lloydie na makakatambal niya si Jasmine Curtis-Smith, na gusto niya muling makatrabaho, after nitong mag-guest sa pilot episode ng Happy ToGetHer.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Webinar ukol sa Financing PH shock-responsive social protection, isinagawa

    NAGSAGAWA ang House Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) at UNICEF Philippines ng knowledge sharing webinar na pinamagatang “Lessons on Financing Shock-Responsive Social Protection in the Philippines.”     Sa pagbubukas na pahayag, sinabi ni CPBRD Deputy Secretary General Dr. Romulo Emmanuel Miral Jr. na nagsasagawa na ang House Secretariat ng mga rekomendasyon para […]

  • Nasaid ang savings at wala ng pangkain: ABDUL, malaki ang pasasalamat sa ginawang pagtulong ni DENNIS

    MARAMI ang hindi nakakaalam, pero malaki pala ang pasasalamat ni Abdul Rahman sa Kapuso actor na si Dennis Trillo. Kung matatandaan, dumating na sa punto si Abdul during pandemic na na-stroke ang nanay niya, nasaid ang savings niya at talagang humingi na ito ng tulong pinansiyal. At that time, nagkasama sina Abdul at Dennis sa […]

  • Halos 1-K mga protesters sa Russia inaresto

    NASA halos 1,000 katao na ang inaresto sa Russia dahil sa pagsasagawa ng kilos protesta sa iba’t ibang bahagi ng nasabing bansa.     Sa Moscow pa lamang ay umabot na sa mahigit 330 katao ang kanilang ikinulong.     Kinokondina ng mga Russian protesters ang ginawa ng kanilang sundalo na paglusob sa Ukraine.   […]