May paliwanag si Sen. Jinggoy tungkol sa isyu: KAREN, nagpaalala sa lawmakers na itigil ang ‘victim-blaming’
- Published on August 23, 2024
- by @peoplesbalita
NAKATANGGAP nga kritisismo at pamba-bash si Sen. Jinggoy Estrada dahil sa pagiging “harsh” daw nito kina Sandro Muhlach at Gerald Santos sa Senate hearing.
Kaya ikinatuwa ng netizens na hindi agree kay Sen. Jinggoy sa ginawang pagpapaalala ni Karen Davila, na hindi sila ‘gods’ at dapat itigil ang ‘victim-blaming’.
Sa pamamagitan ng X (dating Twitter) binahagi ng veteran broadcaster ang kanyang open letter to lawmakers last Tuesday, August 20.
“To our lawmakers, stop victim-blaming,” panimula niya.
“Treat victims with compassion and sensitivity.
“Reliving a traumatic experience is horrific, more so in a public hearing.”
“Stop barraging, asking ‘why did it take you 5 years? You should’ve filed a complaint immediately. Victims are scared. They feel ashamed.
“And this kind of public shaming will not help victims to come out,” pagpapatuloy ni Karen.
Panghuli ay pagpapaalala niya, “Let me remind our senators, you serve the people. You are not gods. Do not act like it.”
Naging mainit ang pagtatanong ng senador kay Gerald at inalmahan nga ito ng netizens. Nagtataka ang marami kung bakit daw ganun ang tono ng Sen. Jinggoy.
Ayon naman sa interview sa senador, gusto na raw niyang tapusin ang kaso ni Gerald para makapag-focus na siła są kaso ni Sandro. Naging fair naman daw siya sa hearing at walang kinakampihan.
May kaibigan pa raw siya na nag-text na kino-question din ang tono ng pagtatanong sa singer-actor.
Buwelta naman ng actor-politician, “they better check their facts first before they judge me.”
Samantala, dinalaw ni Sen. Jinggoy si Jojo Nones sa detention cell sa Senado, na ipina-contempt niya dahil sa patuloy na pagtanggi sa mga akusasyon sa kanya ni Sandro.
Ayon sa balita kinausap ng senador si Nones, kung sasabihin na ang totoong nangyari sa kanila ni Sandro. At bahala na ang korte, dahil naisampa na ang kaso sa Department of Justice.
Nag-file naman ang legal counsel ni Nones ng motion to lift order of contempt, para ma-release na sa detention cell. Naghahanda na raw sila ng counter-affidavit para sa reklamong isinampa ni Sandro sa DOJ, kaya kailangan nang makalabas ni Jojo.
Well, abangan na lang natin ang susunod na kaganapan sa kasong ito.
(ROHN ROMULO)
-
RAPE SUSPECT, NASAKOTE SA VALENZUELA
ISANG lalaki na wanted sa kasong rape ang nalambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation makalipas ang halos pitong taon sa Valenzuela City. Pinuri ni Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ulysses Cruz si Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, sa matagumpay na pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si Edmund Jacinto, 25, […]
-
Dahil sa kilig Tiktok videos nila ni RAYVER: JULIE ANNE, umaming nagulat sa pag-unfollow sa kanya ni JANINE
DAHIL sa mga kilig Tiktok videos ni Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, ‘di napigilang tanungin si Julie tungkol sa pag-unfollow sa kanya sa social media ng ex-girlfriend ni Rayver na si Janine Gutierrez. “Nagulat na rin lang po ako. But to be honest, wala na po sa akin ‘yun. May kanya-kanya […]
-
Omicron tiyak na makakapasok din sa Pinas – Duque
Nakakatiyak si Health Secretary Francisco Duque na makakapasok din ng Pilipinas ang Omicron variant ng COVID-19. Pero sinabi ni Duque na hindi isyu kung makakapasok kundi kailan makakapasok. Ginawa ni Duque ang pahayag matapos matanong ni Pangulong Rodrigo Duterte kung may posibilidad ba na makapasok sa bansa ang bagong variant na […]