• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May payo sa mga baguhang artista: JAKE, aalis lang ng network ‘pag naramdamang ‘di na kailangan

MAHIGIT dalawampung taon na rin sa showbiz si Jake Cuenca.

 

Hanggang ngayon ay aktibo pa rin naman sa showbiz ang Kapamilya ng aktor.

 

Kung si Jake ang tatanungin ay kailangang magkaroon ng pagmamahal at dedikasyon sa trabaho kung nais nitong magtagal sa mundo ng pelikula at telebisyon.

 

“I believe when I started 23 years ago, I still believe it today. What stays true is your passion and dedication to your work.

 

“So, even at the highest of high winning awards or stuff like this. The next day, what grounds you is your dedication and your commitment to work,” pahayag pa niya sa ABS-CBN News.

 

Dagdag pa ni Jake na hindi na raw kinakailangan na maging bida palagi sa mga ginagawa niyang project.

 

Ang importante lang daw ay mai-portray mo nang mabuti at pagbutihin nang husto ang trabaho as an actor.

 

Ayon pa sa magaling na aktor kahit maliit o maiksi lamang ang karakter na gagampanan ay kailangan pa rin umanong paghusayan ang ginagawa.

 

“Sa totoo lang naman the smaller the role is, the more you have to elevate it, the more you have to shine through and make an impact.

 

“Kahit may maliit kang role na nagagawa when you’re starting out, you put so much weight on that. Make it like your biggest project ever.

 

“Believe me, you will shine through. That’s how I did for the past 23 years and I’m still here,” pagmamalaki pa ni Jake.

 

Proud din naman si Jake sa pagiging kapamilya at sa muling pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN.

 

Kaya ganun na lang ang pasasalamat ng aktor sa pamunuan ng Kapamilya network dahil sa patuloy na tiwala sa kanya at hindi siya nawawalan ng proyekto.

 

“You always have to constantly show them something new. Show them how good you really are. Just as long as ABS-CBN needs me, I’m here.

 

“But the day na feeling ko na hindi na nila ako kailangan, I would gracefully exit. Gracefully bow out and exit myself,” seryosong pahayag pa rin ng premyadong aktor

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Saso iwan ng 9 na palo

    MALAMBOT ang umpisa ni Yuka Saso sa nasapol lang na one-over 73 upang mabaon ng siyam na palo laban sa nag-iisa sa tuktok na si Na-Ri Lee ng South Korea sa 53 rd Japan Women’s Open Golf Championships 2020 sa The Classic Golf Club sa Miyawaka City, Fukuoka Prefecture nitong Huwebes.   Naka-nines na 36-37 […]

  • PBBM, hindi alam kung paano maging Pangulo- VP Sara

    MATAPANG na sinabi ni Vice President Sara Duterte na hindi alam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung paano maging Pangulo ng Pilipinas kaya’t hindi na kataka-taka kung ang bansa ay “on this road to hell”.     “Hindi ko kasalanan that we’re on this road to hell… Hindi marunong maging presidente ang nakaupo. Kasalanan ko […]

  • Nagpakilalang pulis, senglot na sekyu kulong

    Kalaboso ang isang lasing na security guard matapos magpakilalang pulis habang nagwawala umano sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.   Si Francisco Ladrera, Jr. 42 ng Phase 7B Blk 33, Lot 22 Brgy. 176 Bagong Silang ay inaresto ng rumespondeng mga tauhan ng Llano Police Sub-Station 7 matapos walang maipakitang police identification card at sa halip […]