• May 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maynila may sariling air quality monitoring station na

Mayroon nang sariling real-time ambient air quality monitoring station ang pamahalaang lungsod ng Maynila na inilagay sa Mehan Garden malapit sa Manila City Hall.

 

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, gagamitin ang nasabing makinarya upang makapagbigay ng datos hinggil sa kalidad ng hangin na nalalanghap sa lungsod kung saan maaaring gamitin ito sa public information, pagtukoy sa mga critical area, research studies, at iba pa.

 

Ginanap ang turn-over ceremony at paglagda sa isang memorandum of agreement (MOA) sa nasabing monitoring station ngayong umaga sa lokal na pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Domagoso kasama si Department of Public Services (DPS) Director Kenneth Amurao at ilang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) gayundin sa Environmental Monitoring and Enforcement sa ilalim ng Environmental Management Bureau sa NCR.

 

Ibinahagi naman ni Domagoso sa mga kinatawan ng DENR na malaki ang pagpapahalaga ng lokal na pamahalaang lungsod na mapanatili ang malinis na hangin sa Maynila kung saan mapapansin ang mga ipinapalagay nitong mga “horizontal” at “vertical” gardens sa lungsod.

 

Bukod pa aniya dito, ang pagpasa sa isang batas na hindi maaaring ibenta ang itinuturing na “Baga ng Maynila”, ang Arroceros Forest park.

 

“Kapag malinis ang kapaligiran, maginhawa ang hangin, malinis lahat, kahit papaano ay maiiwasan ang pagdami ng pagkakasakit.” ani Domagoso. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • PSA website nakaranas ng glitches sa National ID registration

    Nakaranas ng “technical difficulties” ang website ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa unang araw ng online registration para sa National ID.     Sa isang advisory, sinabi ng ahensya na sinisikap ng kanilang team na resolbahin ang issue na ito sa lalong madaling panahon.     Kasabay nito ay humihingi ng paumanhin ang ahensya sa […]

  • PBBM, ipinag-utos sa PNP na imbestigahan ang “fatal shooting” sa radio broadcaster

    NANGAKO si Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na bibigyan ng katarungan  ang radio broadcaster na si Juan Jumalon o mas kilala sa pangalang DJ Johnny Walker, 57-anyos na namatay matapos pagbabarilin habang naka-on-board sa loob mismo ng kaniyang radio station sa Misamis Occidental.     Sa katunayan, inatasan na ni Pangulong Marcos ang  Philippine National Police […]

  • PSC umaasang mabibigyan ng sapat na pondo

    Kung mabibigyan ng sapat na pondo ay maa­aring maulit o mahigitan pa ng Team Philippines ang kanilang performance sa nakaraang Tokyo Olympics sa paglahok sa 2024 Paris Games.     Gumastos ang Philippine Sports Commission (PSC) ng humigit-kumulang sa P2.7 bilyon simula noong 2016 na nagresulta sa isang gold, dalawang silvers at isang bronze medal […]