Mayo 10, itinakda bilang “Araw ng Paglingap ng Iglesia Ni Cristo” sa Lalawigan ng Bulacan
- Published on May 11, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Sa bisa ng kapangyarihang ipinagkaloob kay Gob. Daniel R. Fernando at sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 17 Serye 2021, itinakda ang ika-10 ng Mayo bilang “Araw ng Paglingap ng Iglesia Ni Cristo” sa Lalawigan ng Bulacan o “Humanity Day of the Iglesia Ni Cristo” na epektibo sa araw ng kanyang paglagda noong Abril 30, 2021.
“Bilang pagkilala po sa mga naiambag at patuloy na ibinabahagi ng ating kapatiran sa INC sa ikabubuti ng lipunan, lalo na sa lalawigan ng Bulacan, atin pong bibigyang-halaga ang nasabing araw bilang parangal sa kapanganakan ng kanilang dakilang tagapagtatag na si Ministrong Tagapagpaganap Felix Y. Manalo,” ani Fernando.
Ito ang binigyang diin ng gobernador sa maikling programa na “Iglesia Ni Cristo Lingap Sa Mamamayan ng Lalawigan ng Bulacan” na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnsium sa lungsod na ito kamakailan.
Bilang bahagi ng paglingap ng INC, nagkaloob sila ng 2,000 food packs na kabilang sa 4,000 kabuuang ayuda na ipamamahagi sa mga Bulakenyo.
Layon nitong mabawasan ang hindi magandang dulot ng COVID-19 pandemic at makatulong sa COVID response ng Bulacan sa pangunguna ni Fernando.
Hindi na bago ang isinasagawang pagtulong ng INC sapagkat nung nagsimulang manalasa sa mga tao ang COVID-19, isa sila sa nagbukas ng pintuan upang pansamantalang gawing quarantine area at treatment facility ang Philippine Arena sa Bocaue.
Maliban sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo buhat nang itinatag ito noong Hulyo 27, 1914, kabalikat na ng pamahalaan ang INC sa hindi matatawaran na paglilingkod sa mga mamamayan.
Sa huli, sinabi ng gobernador na upang mas lalo pang tumibay ang nasabing pagkilala, magsusumite siya ng kahilingan sa Sangguniang Panlalawigan.
-
DTI nagbigay ng cash aides sa Valenzuela MSEs
SA pamamagitan ng Department of Trade and Industry’s (DTI) Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamamagitan ng Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO), ay mabibigyan ang Micro and Small Enterprises (MSEs) ng P10,000 bilang paunang puhunan para matulungan lumago ang kanilang maliit na negosyo. […]
-
Panukala na magpapalawak sa potensyal ng gastronomiya sa Pilipinas, inihain
BILANG paggigiit sa pangangailangan na ganap na mapalawak ang buong potensyal ng bansa sa gastronomiya, hinimok ng isang mambabatas ang paglikha ng isang ahensiya na magiging responsable sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga polisiya, at pagsasagawa ng mga programa at oportunidad para sa gastronomiya at sektor ng culinary heritage. Iniakda ni Pangasinan Rep. […]
-
642 kaso ng COVID-19 variants, natukoy
Umabot sa 642 mga bagong kaso ng iba’t ibang variants ng COVID-19 ang natukoy ng Department of Health (DOH) sa gitna ng tumataas na kaso ng virus sa bansa. Ayon sa DOH, nasa 266 kaso ng B.1.1.7 o UK variant ang natukoy; 351 ang B.1.351 o ang South African variant at 25 bagong […]