• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayo 3 deklaradong holiday dahil sa pagtatapos Eid’l Fitr

IDINEKLARA ng Malacañang bilang national holiday ang Mayo 3, 2022 bilang obserbasyon ng pagtatapos ng Eid’l Fitr.

 

 

Kinumpirma ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea matapos na magkaroon ng bahagyang kalituhan.

 

 

Unang inanunsiyo kasi ng Grand Mufti of the Bangsamoro Darul Ifta na magsisimula sa Mayo 2 ang Eid’l Fitr.

 

 

Naidedeklara kasi ito ng mga Muslim leaders sa pamamagitan ng tradisyunal na moon-sighting ceremony sa ika-29 araw ng Ramadan.

 

 

Ang pagkita ng bagong buwan ay siyang nangangahulugan na ang susunod na araw ay siyang Eid.

 

 

Kapag walang nakitang buwan ay kailangan pang mag-fasting ng isang araw ang mga Muslims para makumpleto ang 30 araw.  (Daris Jose)

Other News
  • Mga senador na nagsasagawa ng senate inquiries, habol lang ay exposure- PDU30

    INAKUSAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga senador na nagsasagawa ng mga Senate inquiries na habol lamang ng mga ito ay “exposure” dahil sa nalalapit na ang 2022 national elections sa bansa.   Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, araw ng Sabado na may iba’t ibang […]

  • Suporta sa atletang sasabak sa Tokyo Olympics, tuloy – PSC

    Siniguro ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner William “Butch” Ramirez na tuloy ang kanilang buong suporta sa mga atletang lalahok sa 2021 Tokyo Olympics.   Nangako ang PSC ng buong suporta kahit pa tinapyasan ng gobyerno ang kanilang pondo dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.   Isiniwalat ng PSC, na aabot sa P1.3 billion ng […]

  • Mga trabahong inalok sa nationwide job fair ngayong araw sa Araw ng Kalayaan, halos nasa 150-K na – DOLE

    PUMALO sa halos 150,000 na local at overseas na mga trabaho ang inalok sa idinaos na nationwide job fairs kahapon, June 12, na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasuim sa Malolos City.     Ito ay bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-124 na Araw ng Kalayaan sa Pilipinas.     Batay sa pinakahuling ulat […]