• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor Isko, tanggap na ang pagkatalo bilang Pangulo: ROBIN, nangunguna bilang Senador at kinabog sina LOREN at RAFFY

SI Robin Padilla ang number one senator based sa tally na inilabas ng Comelec.

 

 

Mas mataas ang boto kina comebacking senator Loren Legarda at broadcaster Raffy Tulfo.

 

 

Hindi lang namin sigurado kung inaasahan ba ni Robin na he will top the senatorial race. Hindi naman siya masyadong visible during the campaign. Hindi nga klaro kung kasali ba talaga siya sa line-up ng Team Unity.

 

 

Marahil nga ay pleasant surprise even for Robin ang overwhelming number of votes that he got. Marahil ay pleasant surprise din ito sa mga supporters ng action star na naniniwala na bagamat walang experience sa politika ay marami namang natulungan in his own way pero lingid sa kaalaman ng mga tao.

 

 

Isusulong daw ni Robin ang Federalism sa Senado. Ito ang isa sa gustong mangyari ni Pres. Rodrigo Duterte when he assumed office six years ago.

 

 

Si Robin ay isa sa mga kumumbinsi kay Digong na tumakbong pangulo noong 2016.

 

 

Congratulations, Robin!

 

 

***

CONGRATULATIONS kay Angelu de Leon for winning a seat sa City Council ng Pasig City.

 

 

Unang sabak ni Angelu sa politika at masuwerte na pinalad siyang manalo on her first try.

 

 

Bata pa si Angelu ay nasubaybayan na namin ang kanyang career sa Viva. Marami rin siyang mga pinagdaanang pagsubok sa kanyang buhay at career pero she is not the type na basta susuko.

 

 

Fighter din naman si Angelu at determinado siya to succeed. Kung ano man ang nais niya, she works hard to get it.

 

 

It came as a surprise to us ang pagpasok niya sa politika pero siguro Angelu wants to take on a new challenge, a new direction naman sa kanyang buhay.

 

 

From being an actress and a devoted wife and mother, pagiging mahusay na public servant naman ang kanyang pagtutuunan nang pansin.

 

 

Good luck sa bagong endeavor, Angelu.

 

 

***

SA isang Facebook live video ay nag-concede na si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso nang kanyang pagkatalo sa 2022 Presidential race.

 

 

Tinawag ni Isko si Bongbong Marcos na president-elect. “Mayroon na pong pinili ang taumbayan…I hope it can be official soon,” pahayag niya.

 

 

Bukod sa pagbati kay Marcos Jr. ay binati rin niya si Davao City Mayor Sara Duterte for winning the vice-presidential race.

 

 

“Irespeto natin ang boto ng ating mga kababayan, mahirap middle class mayaman, iisa ang bilang,” pahayag ng outgoing Mayor ng Maynila, “the election results are clear.”

 

 

Sinabi rin ni Isko na tuloy ang kanyang trabaho bilang chief executive ng Maynila hanggang sa huling araw niya in office which is on June 30.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Netizens, inaabangan na ang nakaaaliw na second episode: WILBERT at YUKII, nagpakilig at nagpasabik sa una nilang pagtatagpo

    NAGPAKILIG at nagpasabik ang unang episode ng newest digital series ng Puregold, Ang Lalaki sa Likod ng Profile, nang ipakita ang kakaibang chemistry sa tambalan nina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi) sa una nilang pagtatagpo.     Lalo pang matutuwa at ma-i-inlove ang mga tagasubaybay sa ikalawang episode, habang hinihintay kung ano ang mangyayari sa […]

  • DOLE tiniyak tulong sa PWDs na nawalan ng trabaho

    Nakahanda ang labor department na tulungan na muling makabangon ang mga persons with disabilities (PWDs) na nawalan ng trabaho dulot ng pandemyang Covid-19.     Ganito ang kaso ng 20 PWDs sa General Santos City na nakatanggap ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) rice retailing starter kits na nagkakahalaga ng P400,867 mula sa General Santos […]

  • Final lineup ng Gilas sa FIBA Asia 2021 qualifiers inilabas na

    Inilabas na ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang final lineup para sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers.   Pinangunahan ni Kobe Paras, Juan at Javi Gomez de Liano, Isaac Go, Rey Suerte, Matt at Mike Nieto, Justine Baltazar, Kemark Carino, Will Navarro, Dwight Ramos at Dave Ildefonso.   Hindi naman nakasama sa line up […]