• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Navotas, DA lumagda sa MOA para sa Enhanced Kadiwa

NAGTULUNGAN ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas at Department of Agriculture (DA) para palakasin ang Enhanced Kadiwa ni Ani at Kita Financial Grant Assistance Program.

 

 

Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco at tagapagsalita ng DA at Assistant Secretary for Consumer Affairs na si Kristine Y. Evangelista ang memorandum of agreement noong Nobyembre 21.

 

 

Sa ilalim ng MOA, ang Navotas ay tatanggap ng P5,000,000 na gagastusin sa paggawa ng NavoBangka fiberglass boats para sa 30 rehistradong Navoteño fisherfolk.

 

 

Ang dating tulong pinansiyal ng Kadiwa mula sa DA ay ginamit sa pagbili ng mga lambat at iba pang kagamitan sa pangingisda, na ipinamahagi sa mga kwalipikadong benepisyaryong mangingisda.

 

 

“Our fisherfolk also served as modern day heroes, especially at the height of the pandemic. While many establishments stopped operations, they continued to provide food on our table,” ani Tiangco.

 

 

“We want to give them as much support as we can to uplift their livelihood and help them secure a stable source of income,” dagdag niya.

 

 

Ang mga benepisyaryo ng NavoBangka ay sumasailalim sa pagsasanay sa paggawa ng bangka, pagkukumpuni, at maintenance mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

 

 

Pagkatapos ng pagsasanay, gumawa sila ng sariling bangka gamit ang mga materyales na pinondohan ng lokal na pamahalaan at iba pang gamit mula sa BFAR. (Richard Mesa)

Other News
  • LGUs, nahihirapan na makapaghatid ng food aid sa mga biktima ni “Kristine” — DSWD

    NAHIHIRAPAN ang ilang local government units (LGUs) na makapaghatid at mamahagi ng food assistance sa mga pamilyang apektado ng Severe Tropical Storm Kristine.   Sa katunayan, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na 50,000 family food packs lamang mula sa 170,000 packs na nakatago sa iba’t ibang bodega sa […]

  • Michael Bay’s Action-Thriller ‘Ambulance’ in PH Cinemas Nationwide, Ahead of US Release

    DIRECTOR-PRODUCER Michael Bay helms Ambulance, who is also known for bringing unprecedented cinematic experience with blockbuster films such as Transformers, A Quiet Place and 6 Underground.     Ambulance takes Oscar nominee Jake Gyllenhaal (Zodiac, Spider-Man: Far From Home, Brokeback Mountain), Emmy winner Yahya Abdul-Mateen II (Candyman, The Matrix Resurrections) and Eiza Gonzales (Fast & Furious […]

  • Boxing at weightlifting tinapyasan sa Olympics

    BINAWASAN ng bilang ang dalawang sport – boxing at weightlifting – para sa 33rd Summer Olympic Games 2024 sa Paris, France.   Nangangahulugan ang drastikong hakbang ng International Olympic Committee (IOC) ang pagliit ng bilang sa 329 gold medals na lang ang mga paglalaban sa quadrennial sportsfest.   Mas mababa na ito ng 10 medalyang ginto […]