Mayor, konsehal na akusado sa rape, dinampot ng NPD
- Published on December 20, 2024
- by @peoplesbalita
BINITBIT ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang alkalde, konsehal, at kawani ng isang bayan sa Bulacan na pawang akusado sa panggagahasa mahigit limang taon na ang nakakalipas sa Caloocan City.
Sa ulat ni NPD Acting Director P/Col. Josefino Ligan kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/BGen. Anthony Aberin, ala-1 ng hapon Martes ng hapon nang matunton nina P/Lt.Col. Alain Licdan ang mga akusadong sina alyas Mayor “Rico”, 51, alyas Councilor “Jonjon”, 48, at kawani na si alyas “Roel” 52, sa Amana Waterpark sa Pandi, Bulacan.
Ayon kay Col. Ligan, isinilbi ng mga tauhan District Special Operation Unit (DSOU-NPD), sa tulong ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-Northern District Forensic Unit (CIDG-NDFU), ang warrant of arrest na inilabas ni Calooran Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Ma. Rowena Violaga Alajandria ng Branch 121 para sa dalawang bilang na kasong rape sa ilalim ng Artile 266 ng Revised Penal Code na walang inirekomendang piyansa.
Binasahan din ng kanilang karapatan ang tatlo, kaharap ang kanilang abogadong si Atty. Doctor, bago sila dinala sa headquarters ng NPD sa Caloocan upang pansamantalang iditine sa kanilang custodial facility habang hinihintay ang paglalabas ng commitment order ng korte.
Batay sa rekord, inakusahan ng biktima ang tatlo ng panghahalay na naganap umano sa Lungsod ng Caloocan noong Abril 6, 2019.
Mariin namang itinanggi ng mga akusado ang akusasyon at naghain kaagad ang kanilang abogado ng mosyon na nagpawalang bisa sa warrant of arrest at iginiit na gawa-gawa lamang umano ang akusasyon na may bahid pulitika.
Pinuri naman ni Col. Ligan ang pagtutulungan at dedikasyon ng mga operatiba.
“This operation demonstrates the commitment of the Northern Police District to uphold justice, regardless of who is involved. We will continue to pursue our mandate to ensure the safety of our communities and hold accountable those who violate the law. Let this serve as a strong message that justice will be served and the rule of law will always prevail,” pahayag niya. (Richard Mesa)
-
ILANG BATAS SA COMELEC, SUSURIIN
SUSURIIN ng Commission on Elections (Comelec) ang panukalang batas na naglalayong amyendahan ang mga batas sa halalan sa withdrawal bilang batayan para sa pagpapalit ng kandidato, pagkatapos ng Mayo 2022 na botohan. “Isa sa mga dapat nating ma-review din, after this election, dapat ma-review din natin ‘yung tungkol sa nuisance, ‘yung tungkol sa […]
-
PBBM, itinalaga si Diokno bilang miyembro ng Monetary Board
MAGBABALIK si dating Finance Secretary Benjamin Diokno sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bilang miyembro ng Monetary Board. Pinalitan ni dating Deputy Speaker Ralph Recto si Diokno bilang Kalihim ng Department of Finance (DoF). Nauna rito, pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Diokno para sa “excellent performance” nito sa […]
-
Caballero tagapagsalita sa Natl’l Sports Summit
PAGTUTUUNAN ni Pilipinas Sepaktakraw Federation Inc. President Karen Tanchanco-Caballero ang mga kababaihan sa mundo ng sport sa online 17th session ng Philippine Sports Commission-National Sports Summit (PSC-NSS) 2021 ngayong Miyerkoles, Hunyo 9. Ibubunyag ng deputy secretary general ng Philippine Olympic Committee (POC) at unang babaeng vice president ng International Sepaktakraw Federation (ISTAF) at […]