Mayor Tiangco nagpasalamat sa DENR, San Miguel Corp. sa sustainable dredging program
- Published on February 27, 2020
- by @peoplesbalita
NAGPASALAMAT si Mayor Toby Tiangco sa Department of Environment and Natural Resources at sa San Miguel Corp. sa pagsisimula nito ng sustenableng programa sa dredging.
“Kailangan natin ang sustainable dredging program para masiguro na ang tagumpay na makakamit natin dito ay pangmatagalan at matatamasa ng mga susunod na henerasyon,” aniya sa kanyang talumpati sa opisyal na paglulunsad ng dredging ng Tullahan-Tinajeros river system.
Sinabi ng alkalde na patuloy na naiipon ang mga silt at sediment, pati na ang mga basura, sa ilalim ng mga ilog at iba pang anyong-tubig pero hindi ito regular na natatanggal.
“Dati, hindi parating nakakapagsagawa ng dredging dahil sa kawalan ng pondo. Kaya natutuwa tayo na may partnership ang DENR at ang San Miguel Corp., na nangakong magbibigay ng P1 billion, para sa proyektong ito,” dagdag niya.
Iniutos din ni Tiangco sa mga punong barangay na mahigpit na ipatupad ang anti-littering ordinance ng lungsod.
“Mababalewala ang dredging kung hahayaan natin ang ating mga mamamayan na magtapon ng basura kung saan-saan. Ang disiplina at mahigpit na pagpapatupad ay mahalaga rin para magtagumpay tayo sa ating kampanya na linisin ang ating katubigan,” diin niya.
Ang dredging ng 36.4-kilometrong Tullahan-Tinajeros river system ay bahagi ng kampanya na linisin at ayusin ang marine ecosystem ng Manila Bay.
Ang river system na ito ay mula sa La Mesa Dam sa Quezon City hanggang sa Centennial Park ng Navotas.
Ang SMC ang magsasagawa ng proyekto katuwang ang DENR na parehong pinangunahan nina SMC President and Chief Operating Officer, Ramon S. Ang, at DENR Secretary, Roy A. Cimatu ang paglulunsad ng dredging activities.
Maliban kay Tiangco, dumalo din sina Vice Mayor Clint Geronimo, mga konsehal at department heads, mga punong barangay, Malabon City Mayor, Antolin A. Oreta III, at DENR Usec Benny D. Antiporda. (Richard Mesa)
-
[NOBELA] DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 36) Story by Geraldine Monzon
KAPWA nabuhay ang pag-asa sa mga puso nina Angela, Bernard at Andrea nang matagpuan nila ang dalaga sa harap ng dati nilang tahanan. Agad silang nagpa-DNA upang makasiguro sa katotohanang inaasam nila. Nang maiabot na ng doktor ang resulta ng DNA test ay agad binasa ni Angela ang hulihang bahagi nito. Natigilan siya at […]
-
MOU vs fake news tinintahan na ng Palasyo
HANDA na ang Presidential Communication Office (PCO) na ipatupad ang Media and Information Literacy (MIL) Project ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasunod ng paglagda ng Memorandum of Understanding sa mga partner na ahensya ng gobyerno nitong Lunes. Pinangunahan ni PCO Secretary Cheloy Velicaria-Garafil ang ceremonial signing ng MOU kasama ang […]
-
Ekonomiya ng Pinas lumago ng 5.2% noong Q3 —PSA
LUMAGO ang ekonomiya ng Pilipinas ng 5.2% sa third quarter ng taon , mas mababa kaysa sa 6.4% na naitala sa nakalipas na quarter. Sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ito ang nagdala sa average gross domestic product growth para sa unang three quarters ng 2024 sa 5.8% na bahagyang mababa sa target […]