Mayor Vico: Manatiling vigilante vs COVID-19
- Published on March 16, 2021
- by @peoplesbalita
Umaapela si Pasig City Mayor Vico Sotto sa publiko na manatiling vigilante at patuloy na tumalima sa lahat ng health at safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan upang labanan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ang apela ay ginawa ni Sotto sa kanyang social media accounts sa gitna na rin nang naitatalang surge ng COVID-19 cases sa Metro Manila.
Ayon kay Sotto, hindi dapat na maging kampante ang mga mamamayan lalo na aniya at marami pa tayong hindi alam hinggil sa mga variant ng COVID-19 na natutuklasang nakapasok na rin sa bansa.
Kaugnay nito, tiniyak din naman ng alkalde na hindi sila nagpapabaya at ginagawa nila ang lahat upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa lungsod.
Aniya, kabilang sa mga hakbang na kanilang ipinatutupad ay ang pag-revisit sa mga protocols dahil na rin sa mga bagong impormasyon hinggil sa virus, gaya aniya ng adjustments sa mga Centralized Quarantine Facility, dahil sa rin sa iba’t ibang variant ng sakit.
Sinabi ng alkalde na may hiwa-hiwalay na gusali o silid na silang ginagamit para sa mga kaso ng variant ngunit isang hamon rito ay kinakailangan munang maghintay ng kumpirmasyon kung anong variant ang bawat kaso.
Patuloy pa rin naman aniya ang reinforcements para sa human resources ng kanilang healthcare system at mahigit 70% na ng kanilang mga hospital staff ang nabakunahan sa ngayon.
Naibalik na rin aniya ang kanilang alternative work arrangement sa city hall at tulad nang napagkasunduan ng Metro Manila Council, ini-adjust na rin ang curfew hours ng mula 10PM hanggang 5AM.
Samantala, kasalukuyang naka-isolate at naka-quarantine si Mayor Sotto matapos pumanaw ang kanyang driver dahil sa Covid-19 noong Sabado. Menashe ni Mayor Vico sa kanyang Twtitter account, “Last Saturday we lost a good friend , Kuya Vener to Covid-19.
“Following DOH protocol, I’ll be in quarantine until March 24 WHEN HE LAST DRIVE FOR ME).
Dagdag niya “ Will continue working via zoom and pjone. Thank you for your kind messages. Pls pray especially for his family.
Na-test na raw lahat ng kanyang close contacts. Mamayang hapon ang resulta. Wag mag-alala okay naman po kaming lahat… walang sintomas
“Pero kahit mag-negative ay tatapusin ko ang quarantine alinsunod sa DOH guidelines. Posible kasing nagi-incubate pa lang ang virus kaya negative.”
-
Ads June 12, 2021
-
FIND YOUR HAPPY PLACE IN “TROLLS WORLD TOUR”
DREAMWORKS Animation’s musical adventure Trolls World Tour is coming to Philippine cinemas soon! (Watch the Trolls World Tour trailer at https://youtu.be/ck-0aXE2iDc) Anna Kendrick and Justin Timberlake return in an all-star sequel to DreamWorks Animation’s 2016 musical hit: Trolls World Tour. In an adventure that will take them well beyond what they’ve known before, […]
-
Ads December 12, 2020