Mayor WES pormal na naghain ng kanyang COC
- Published on October 7, 2024
- by @peoplesbalita
PORMAL na naghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si incumbent Mayor WES Gatchalian para sa muling pagtakbo niya bilang alkalde ng Lungsod ng Valenzuela sa darating na election 2025, Linggo ng umaga sa ikalawang palapag ng Alert Multipurpose Hall, kasama ang kanyang asawa at mga anak.
Kasama ni Mayor Wes ang kanyang running mate na naghain din ng COC bilang Vice Mayor ng lungsod si Marlon “Idol” Alejandrino at kanilang mga kasama sa Red Team, Tuloy ang Progreso Team.
Nagpasalamat naman ang alkalde sa mga Valenzuelanos sa binigay na tiwala sa kanya na nagsilbi aniya niyang lakas at inspirasyon na ipagpatuloy ang progresong tinatamasa ng lungsod. (Richard Mesa)
-
Pagtakbo ni Mayor Sara sa pagka-VP ‘desisyon’ ni ex-Sen Marcos
Si dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang siyang nag-impluwensya kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 national elections, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Duterte kumbensido siyang “desisyon” ni Marcos ang pagtakbo ng kanyang anak sa pagka-bise presidente. Nobyembre […]
-
Presyo ng mga bigas, magiging stable -DA
KUMPIYANSANG sinabi ng Department of Agriculture (DA) na magiging stable na ang presyo ng bigas at palay dahil magsisimula na ang pag-ani ng mga nasabing pangunahing tanim ngayong Setyembre at Oktubre. Target ang initial harvest na 5 milyong metriko tonelada. Base sa Philippine Rice Information System (PRiSM), tinatayang “as of August […]
-
Tinawag pang ‘madam’ ang Kapuso Primetime Queen: HEART, nagpaabot ng pagbati sa pagbabalik-primetime ni MARIAN
NAGPAABOT ng pagbati ang Kapuso actress at international fashion icon na si Heart Evangelista kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na nagbabalik sa primetime sa pamamagitan ng ‘My Guardian Alien’ na nagsimula na noong Lunes, Abril 1. after ng ‘Black Rider’. Sa short video na pinost ng GMA Network, nagbigay ng heart-warming message si Heart […]