• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayroong PBA Special Draft muli sa Marso 14 – Marcial

MULING pinagbigyan ng Philippine Basketball Association ang Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) na magsagawa ng Special Draft para sa Gilas Pilipinas sa Online 36th PBA Rookie Draft 2021 sa darating na Marso 14.

 

 

Pero aaralin pa ng national sport association o national governing sport body (SBPI) ang mga bubunitin sa special draft para sa national men’s basketball training pool na inihahanda sa 19th International Basketball Federation (FIBA) World Cup 2023 na mga itataguyod ng bansa, kasama ang Japan at Indonesia.

 

 

Nasa limang manlalaro ang tinapik ng SBPI sa ika-35 edisyon ng PBA Draft. Ibabalik sa kani-kanilang mother teams sa PBA kapag tapos na ang tour of duty sa national team ng mga player.

 

 

Pipili ang SBPI ng mga pangalan sa nagsumite ng applications, hindi lang sa mga nasa Gilas pool nan a nag-apply din sa PBA Draft.

 

 

“The final list will be submitted to the coaching staff of SBP, give us a few days to look at the list,” wika nitong Linggo ni SBP president Alfredo Panlilio, ang governor din ng Meralco Bolts sa PBA Board of Governors.

 

 

Kung may mga tinapik na’y ibabalik kay Commissioner Wilfrido ‘Willie’ Willie Marcial ang talaan.

 

 

“We will choose from the existing draft who qualifies for the national team,” panapos na pahayag ni Panlilio. (REC)

Other News
  • Mayor Sara ‘out’ na sa presidential race

    Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na may malaking oportunidad pa na naghihintay kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio lalo na at bata pa naman ito.     Ito ang pahayag ng pangulo kasabay ng kanyang pakikipagkita sa kanyang spiritual adviser na si Pastor Apollo Quiboloy kagabi kung saan agad itong umuwi ng Davao matapos […]

  • IATF, hinihintay ang desisyon ni PDu30 sa paggamit ng face shield – Roque

    HANGGANG sa kasalukuyan ay hindi pa rin inaaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) for COVID-19 response ukol sa face shield requirement.   “Meron na pong desisyon,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   “Pero ito po ay for approval and possibly for announcement by the President himself,” dagdag […]

  • Asec Mendoza, nagpahayag ng pasasalamat kay PBBM sa pagpapalawak ng serbisyo ng LTO

    NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pagpapatibay ng pitong batas na magpapabuti at magpapalawak sa serbisyo ng ahensya para sa mamamayang Pilipino. nnSa isang liham na ipinadala kay Asec Mendoza, ipinabatid ng Tanggapan ng Pangulo ang mga bagong […]