MC Taxi expansion, tigil na – LTFRB
- Published on April 2, 2024
- by @peoplesbalita
ITINIGIL na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Motorcycle Taxi expansion o ang pagpaparami pa ng bilang ng mga Motorcycle taxi na magsasakay ng mga pasahero.
Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, head ng Technical Working Group para sa pilot study ng MC Taxi service sa bansa, magsusumite na ang TWG ng rekomendasyon sa Kongreso ngayong Mayo hinggil sa kalalagayan ng MC taxi service kaya itinigil na nila ang pagdaragdag ng bilang ng mga MC Taxi operators na kasali sa pilot study.
“Magsa-submit na ang TWG ng recommendation sa Kongreso ngayong Mayo nang resulta ng aming ginawa… ” sabi ni Guadiz. Anya, ang desisyon ng Kongreso ang susundin ng LTFRB hinggil sa magiging kalagayan ng mga MC Taxi service sa bansa.
Nilinaw ni Guadiz na ang MC Taxi ay sagot sa problema ng pagkalat ng mga habal-habal na mga motorsiklo na nagsasakay ng pasahero ng walang permiso mula sa LTFRB.
Ang MC Taxi service anya ay trained ang mga driver at mayroon ding insurance ang mga pasahero nito. Sagot anya ito sa matinding daloy ng trapiko. Sa ngayon anya ay may 51,000 slots ng MC Taxi sa Metro Manila at hindi na ito madaragdagan pa.
-
Pamahalaan, target na gawing fully vaccinated ang 90 milyong Pinoy —Galvez
PLANO ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 90 milyong Filipino laban sa COVID-19 sa kabila ng mga hadlang na mapabiis ang pagbabakuna. “Ang atin pong main objective ay mabakunahan ang 90 million na Filipino, sa bilang po na ito mayroon po tayong babakunahan na primary series sa 28 to 30 million na […]
-
Binata pinagbabaril sa Malabon, dedbol
TODAS ang isang 20-anyos na binata matapos paulanan ng bala ng hindi kilalang suspek sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktimang si Jamaicoh Loren Solis alyas “Maicoh”, ng 654 Gabriel St., Gagalangin Tondo, Manila. […]
-
Pinag-usapan ang success bilang isang theatre actress: LEA, na-feature sa isang article sa The Guardian UK
NA-FEATURE si Lea Salonga sa isang article ng The Guardian kunsaan pinag-usapan ang success niya bilang isang theatre actress sa London’s West End na nagsimula 35 years ago sa pinagbidahan niyang musical na ‘Miss Saigon’ in 1989. Bumalik ang Tony Award-winning Filipino star sa pag-perform sa West End para sa musical tribute […]