• March 20, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

McGregor isusunod si Pacquiao

ISUSUNOD kita!

 

Pasaring ito ni former Ulti- mate Fighting Championship (UFC) star Conor McGregor ng Ireland kay World Boxing Association (WBA) super featherweight champion Emmanuel Pacquiao sa kanyang social media account.

 

“I will be ready for Texas and Texas will be ready for my fans! Then Manny, (Pacquaio)” paskil ng dating UFC featherweight at lightweight world champion nitong isang araw sa kanyang tweet.

 

Ang banta ng Irish boxer ay kaugnay sa plano munang laban sa octagon kontra kay dating UFC interim lightweight champion Dustin Poirier ng USA.

 

Ayon naman kay UFC president Dana White ng Estados Unidos, na lagda na lang ni Conor sa kontrata ang kulang at ikakasa na ang rematch kay Poirier sa Enero 23, 2021.

 

Dinagdag pa ni McGregor na sa AT&T Stadium sa Texas sila maglaban na wala namang kasiguruhan, at pagkatapos ay ng fighting senator ang susunod niyang babanatan.

 

Paramdam na rin si Pacman sa kanyang socmed account na ganadong nakikipagsuntukan.

 

“I’m in the mood to fight. #TeamPacquiao,” caption niya. (REC)

Other News
  • Health expert, nagbabala ng COVID-19 ‘surge’ matapos ang May 9 polls

    MAAARING maharap ang bansa sa panibagong surge ng COVID-19 cases matapos ang May 9 polls o sa mga susunod na ilang buwan.     Pinagbasehan ng isang government health adviser ang multiple factors na puwedeng maging dahilan nito kung saan kabilang dito ang pagdaraos ng superspreader events at ang humihinang immunity sa populasyon ng mga […]

  • PBBM, nakatakdang makipag-usap kay ex-Sen. De Lima matapos ma-hostage ang senadora

    KASUNOD ng pangho-hostage kay dating Sen. Leila de Lima, inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na nakatakda itong makipag-usap sa senadora.     Tatanungin daw ni Marcos sa senadora kung gusto nitong mailipat sa ibang detention center.     Kasunod nito, inatasan din ng Pangulong Marcos ang mga otoridad sa Camp Crame na magpatupad ng […]

  • DOTR: Mga nawalan ng trabaho na OFWs, drivers bibigyan ng trabaho

    Binibigyan ng pagkakataon ng Department of Transportation (DOTr) ang mga drivers, conductors at overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho ngayon panahon ng pandemya ang magtrabaho sa mga proyekto ng pamahalaan tulad ng DOTr.     Nanawagan si DOTr Secretary Arthur Tugade sa mga nawalan ng trabaho ngayon pandemya tulad ng drivers, conductor at […]