McGregor pinayuhang magpokus sa boxing
- Published on February 24, 2021
- by @peoplesbalita
Pinayuhan ng ilang eksperto si Ultimate Fighting Championship (UFC) superstar Conor McGregor na tigilan muna ang UFC kung nais nitong makuha ang inaasam na mega fight kontra kay eight-division world champion Manny Pacquiao.
Mismong si boxing legend George Foreman na ang nagsabi na mas makabubuting ituon muna ni McGregor ang konsentrasyon nito sa boxing.
Magiging malaking tulong ito upang muling makuha ang amor ng mga boxing fans at mapabangong muli ang kanyang pangalan.
Bahagyang nawalan ng interes ang mga tao kay McGregor matapos itong lumasap ng second round knockout loss kay Dustin Poirier sa kanilang bakbakan noong nakaraang buwan.
Si McGregor pa naman ang pinakamainit na pangalan na posibleng makaharap ni Pacquiao sa kanyang next fight.
Subalit naglaho ito dahil sa kabiguang tinamo ni McGregor sa kamay ni Poirier.
Mayroon namang boxing skills si McGregor.
Sa katunayan, naniniwala si Foreman na mas magandang gamitin niya ito sa boxing kumpara sa MMA.
-
Ads June 24, 2021
-
Malakanyang sa DENR, imbestigahan ang Masungi resorts
TINAWAGAN ng pansin ng Malakanyang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na imbestigahan ang napaulat na “construction and expansion” ng resort facilities sa Upper Marikina Watershed sa Masungi Georeserve. Ayon kay Acting presidential spokesperson Martin Andanar, dapat lamang na imbestigahan ng DENR ang di umano’y illegal quarrying at mining activities sa […]
-
Ads December 22, 2022