• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Media security, “best done” sa pakikipag-ugnayan sa newsrooms-CHR

PINAALALAHANAN ng  Commission on Human Rights (CHR)  ang law enforcement agencies na tiyakin ang kaligtasan ng mga mamahayag sa pamamagitan ng “necessitates a careful balance in respecting individual and collective rights”.

 

 

Sa isang kalatas,  sinabi ng CHR  na welcome sa kanila ang naging  direktiba na ihinto at imbestigahan ang napaulat  na “Unannounced police visit” sa bahay ng ilang mamamahayag sa Kalakhang Maynila kamakailan upang alamin kung mayroong silang natatanggap na banta sa buhay.

 

 

“Media security is best pursued through regular coordination with their respective organizations, as well as journalist groups, to institutionalize efforts protecting media freedom and safety,” ayon sa komisyon.

 

 

“In this way, members of the media are aware of what to expect and what law enforcement agencies can commit as a means to level off and further improve on protocols as necessary,” wika pa nito.

 

 

Nauna rito, humingi ng paumanhin si Interior Secretary Benhur Abalos kasunod ng kontrobersyal na pagbisita ng mga pulis sa bahay ng ilang mamamahayag sa Kalakhang Maynila kamakailan upang alamin kung mayroong silang natatanggap na banta sa buhay.

 

 

Ang hakbang ng kalihim ay kasunod ng paghingi rin ng paumanhin ng Eastern Police District (EPD) matapos pumalag ang mga mamamahayag na binisita ng mga pulis ang kani-kanilang bahay na malinaw na  paglabag sa kanilang privacy.

 

 

Dahil dito, ipinag-utos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PBGen. Jonnel Estomo  sa kanyang mga tauhan na itigil na ang mga unannounced visits.

 

 

“Sabi ko nga kila General (Estomo), the intention is good. However, the effect was not good,” ayon kay Abalos.

 

 

“While the move is coming from good faith… it created panic. If it created panic, pasensya na. Hindi na mauulit ito,” sabi ni Abalos sa isang panayam nitong Linggo sabay sabing “Pasensya na po kung nagkaroon ng undue fear sa baba.”

 

 

Kinondena naman  ng National Union of Journalist of the Philippines ang ginagawang “unannounced visit” ng mga pulis sa bahay ng mga mamamahayag.

 

 

Kasunod ito ng ulat na pagbisita ng isang hindi naka-unipormeng pulis sa private residence ng isang reporter ng GMA News nitong Sabado upang mangamusta kung nakatatanggap ito ng mga pagbabanta.

 

 

Sa inilabas na statement ng NUJP, nagpahayag ng pagkabahala ang grupo sa pagbisita ng mga pulis sa bahay ng mga mamamahayag nang wala munang pasabi.

 

 

Bagama’t maganda ang hangarin, mainam anila na gawin na lamang ang pakikipag-usap sa newsroom o sa mga press corps, press club at mga organisasyon ng mga journalist sa NCR.

 

 

“While the National Capitol Region Police Office’s statement that they would reach outto journalists in the wake of Pethe murder of Percy Lapid is welcome and encouraging, the National Union of Jounalists of the Philippines is concerned at reports of police officers visiting colleagues in their homes and without proper coordination,” saad ng NUJP.

 

 

“Assuming good faith, these meetings and dialogues are best done through newsrooms or through the various press corps, press clubs, and journalists’s organizations in the capital.” (Daris Jose)

Other News
  • Para na siyang si Lino Brocka o Ishmael Bernal: Direk ZIG, nape-pressure sa expectation ng mga artistang gusto siyang maka-work

    MALAKING pressure nga raw kay Direk Zig Dulay ang expectations ng mga artistang gustong makatrabaho siya sa TV at pelikula.     Para na ngang si Lino Brocka o Ishmael Bernal si Direk Zig na gustong nakatrabaho ng maraming artista ngayon.     “Nakakataba ng puso kapag mapapakinggan mo na pangarap kang makatrabaho ng mga […]

  • Ads April 3, 2024

    adsapr_040324

  • Susuportahan ni ex-Pres. Duterte ‘pag nag-senador… Update sa ‘Vagabond 2’ ni LEE SEUNG GI, inaabangan mula kay Manong CHAVIT

    ANO na kaya ang latest update sa sequel ng ‘Vagabond’, ang action thriller K-drama na pinagbidahan nina Bae Suzy at Lee Seung Gi na pinalabas noong September 20 hanggang November 23, 2019?         Naibalita last April na ang ‘Vagabond Season 2’ ay nakatakdang mag-shoot sa bansa natin, na kung saan sinasabing muling […]